Isa na ang football sa mga kinikilalang laro ngayon sa Pilipinas.
Bagamat sa mas maraming bansa ay football ang pinakakilalang sport, at bagamat matagal na ang larong ito sa ilang mga unibersidad sa Pilipinas, hindi talaga ito gaanong nabibigyan ng pansin ng Pinoy.
Nagsimulang maging popular ang larong football ngayong taon nang maging tanyag ang Philippine National Football Team—o mas kilala sa tawag na Philippine Azkals.
Isa si Phil Younghusband, 24, sa mga sikat at iniidolong manlalaro para sa koponan na ito.
Nakapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Phil, sa ginanap na meet-and-greet event nila sa Kenny Rogers restaurant sa SM Mall of Asia, Pasay City.
Naikuwento niya sa amin kung paano ba nagsimula ang pagkahilig niya sa sport na football.
"I've always been athletic," umpisa niya.
"I've always wanted to run around.
"Even in my classroom, I didn't wanna sit down and stay still. I would want to run around and move around.
"So, I like to be active.
"Football gave me the opportunity to run around and be with my friends.
"And then I joined, and then I enjoyed it, and I thought to excel in the sport."
Dagdag pa niya, "Obviously, growing in England, growing up in England, there was a future for football in England.
"You can earn a good, good living and play football.
"[There's] good income for football in England, and I excelled in the sport and enjoyed the sport.




0

