Tulad ng inanunsiyo ni Kris Aquino kahapon, Disyembre 19, sa morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV, natuloy siya sa pagpunta sa Cagayan de Oro kagabi para sa relief operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong.
(CLICK HERE to read related story.)
Nagsagawa ng relief operations doon si Kris bilang bahagi ng ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation.
Kasama niya rito ang mga kaibigang sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Vice Ganda.
Kanina, Disyembre 20, ay ikinuwento ni Kris sa Kris TV ang kanilang naging karanasan sa CDO.
"Pasensiya na kayo medyo paos [ako] kasi kagabi, halos one in the morning na kaming nakauwi.
"The ABS-CBN airplane brought us home from Cagayan de Oro.
"Nakalibot kami...we went to both Consolacion and the other place... forgive me hirap na hirap akong matandaan...Balulang.
"Yun ang maraming tao talaga, yung sa Balulang.
"You know, actually, kasi yung pagpunta namin was really biglaan.
"And gusto ko talagang mag-pay tribute sa foresight ni Angel Locsin...
"Kasi magkasama si Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Locsin, and myself.
"And si Angel at ako, pareho naming naisip... Kasi Angel was planning to do parang charity bago mag-Pasko noong mga ine-endorse niyang produkto..."
Si Kris naman daw ay namili ng mga ini-endorse niyang shampoo at sabon.
Aniya, "Kasi ang balak kong pasabog doon sa parada ng Metro Manila Film Festival...kasi nanghihingi sila ng giveaways, e.
"Doon ko talaga dapat ipamumudmod yun.
"Sorry ha, uy, yung mga magpaparada sa 24, huwag kayong magalit sa akin, dinala ko sa Mindanao," sabi ni Kris.
May pelikula si Kris na kalahok sa MMFF, ang Segunda Mano.
RELIEF OPERATIONS. Habang nagkukuwento si Kris ay ipinapakita naman ang video ng ginawa nilang relief operations at kita ngang madilim sa lugar.
Paliwanag ni Kris, "Wala pang kuryente kaya nakikita n'yo dun sa video, madilim pa talaga. Ilaw lang 'yan ng camera.
"Tapos, tingnan n'yo yung mga tao.
"Dun talaga, when I got home and tinawagan ko yung ate ko, parang mangiyak-ngiyak talaga ako, dahil sabi ko, 'Ba't ang bait-bait nila?'
"Sila na yung nawalan and all, thank you pa sila nang thank you sa amin.
"There's actually no reason to say thank you kasi kung Pinoy ka naman talaga, and may malasakit ka sa bayan, gagawin mo yung ginawa namin."
Humanga nga raw si Kris kay Angel dahil tumulong pa itong magbuhat ng mga tubig na ipinamimigay nila.
"Ayan, take note si Angel Locsin, nagbubuhat.
"Tinulungan niyan yung PSG [Presidential Security Group] ko na magbuhat nung mga ano, yung mga tubig.
"Tapos sina Vice Ganda at Anne Curtis ang nagre-repack.
"Kasi nga yung sa bahay ko, until four in the morning sila nag-eempake. Kasi nga, hindi pa dumadating [yung relief goods].
"Maraming mga kalsada ang hindi pa passable, so yun ang una naming napuntahan.
"Tapos eto, inaaway ko sila diyan, kaya ako nakatawa dahil sinabi ko, 'Uy, tipirin n'yo yung tubig [bottled water].'
"Kasi mauubos na yung water. Kasi si Vice, apat-apat kung magbigay.
"Sabi ko, isa-isa lang."
GOVERNMENT EFFORTS. Hindi naman napigilan si Kris na ikumpara ang efforts na ginagawa nila ngayon sa pamamahala ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa nakaraang gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang maganap ang Bagyong Ondoy ng huling linggo ng Setyembre 2009.
Ayon kay Kris, "Siyempre, di ba, pagbigyan n'yo na ako. Sasabihin ko now kasi may difference, e, from Ondoy to now.
"Nakita ko yung Ondoy, ang national government, hindi talaga tinulungan ang ABS-CBN.
"Siguro pagbigyan n'yo naman ako na mag-pay tribute ako sa advance party ni PNoy na nandun na.
"Kasi iisa lang yung security na nakasama namin from ABS.
"Yung mga PSG po ang nag-help mag-secure at mga nagbuhat together with PNP [Philippine National Police].
"And Philippine Army ang sumama po sa amin at gumawa ng logistics for that to be made possible.
"Gusto naming magpasalamat kasi ang Mindanao, solid Kapamilya.
"As in, talagang sa gitna ng pinagdaanan nila, humihingi sila ng sample," sabi ni Kris.
Ang "sample" na sinasabi ni Kris ay ang napapanood sa Showtime, na hinu-host nina Anne at Vice Ganda, kung saan nagpapakita ng talento ang hosts at judges.
Patuloy ng TV host-actress, "Talagang love nila tayo, so dapat lang iparamdam natin sa kanila how much we love them.
"If this is only the start, I think ABS-CBN can be proud of the fact na tayong mga Kapamilya are always the first na makidamay.
"And can I pay tribute sa regional network group natin? Kasi Sabado pa lang, nagtatrabaho na sila, e.
"Yung RNG ng ABS-CBN talaga, ang daming volunteers.
"Lahat sila pagod, lahat walang tulog, pero ginawa nila ang lahat ng makakayanan nila.
"And I think today, may second batch ng Kapamilya stars na papunta doon.
"Siyempre, kailangan nating makiramay. Ang death toll kasi umabot na sa halos isang libo—957.
"May injured na 1,582, na in-assure naman ako ni Chairman Margie Juico of the PCSO na lahat ng hospital bills at lahat ng gamot nila ay sasagutin ng PCSO.
"Pero ito yung nakakabahala, there are 49 people still missing.
"Kung kapamilya n'yo yun, siyempre ngayon, di ba, hindi ka makatulog, tuliro ka, nag-aalala ka.
"So, sana yung 49 na yun, sana ligtas sila. Sana matagpuan sila ng kanilang mga kapamilya."
Inihayag din ni Kris ang problema sa mga evacuation centers sa Mindanao.
"And there are 10,000 families who are affected, and yung evacuation centers na 'yan, iko-correct ko 'yan.
"Kasi nakita namin, hindi pa...it's not like here.
"Ibang-iba ang sitwasyon ng Mindanao sa sitwasyon natin dito when it [Ondoy] happened to us noong ang Marikina ang na-affect and parts of Quezon City.
"Kasi meron tayong mga handang malalaking venue.
"And, di ba, ang Metro Manila kasi, yung mga kalsada, madaling daanan, e, madaling maki-clear?
"Ang problema kasi, Mindanao is so huge.
"Ang laki ng Cagayan de Oro, yung land area nila. Malaki ang Iligan.
"Marami mga bundok at kalsada na mahirap pang daanan ngayon.
"Pero ang makikita mo talaga, yung resiliency ng Filipino spirit, at lahat sila nagpasalamat, nagsabi ng 'Merry Christmas.'"
IN DEFENSE OF PNOY. Lahat daw ng ginawa nila sa relief operations ay inire-report ni Kris kay PNoy.
Idinepensa niya rin ang kapatid kung bakit hindi ito kaagad nakapunta sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Sendong.
Sabi ni Kris, "Ako naman, walang tigil ng pag-ulit na parating na si PNoy.
"Kasi siyempre, nag-report naman ako sa kanya ng lahat ng nangyari.
"Tawag niya sa akin, Kristina... 'Kristina, can you just tell them also na the rehabilitation ang tinatrabaho na ngayon ng ating national government.'
"That is to make sure na kung anong mga nasirang kalsada, kung ano yung mga gusaling nasira, yun ang ire-rebuild.
"Kasi kaya today siya papunta doon, kasi may action plan na talaga.
"Kasi mahirap naman talagang pumunta sa isang lugar na papogi ka lang.
"Na wala kang dala talaga, na wala kang dala na kongkreto, na eto ang mangyayari for 2012 na rehabilitation natin for Mindanao.
"So, today ang alam ko paalis siya.
"So, para po dun sa mga nagtatanong sa akin when we were there, 'Yes, papunta na siya diyan.'"
During the commercial break ng Kris TV ay ibinalita sa ABS-CBN ang pagdating ni Pangulong Aquino sa Cagayan de Oro, bitbit ang mga tulong para sa mga nasalanta.
Pumunta rin si PNoy sa Iligan, na isa pang lugar na malubha ring sinalanta ng Bagyong Sendong.
Nagdeklara na rin si Pangulong Aquino ng national state of calamity dahil sa matinding trahedya na sinapit ng mga kababayan natin sa Mindanao area.
WHAT TO DONATE. Sinabi naman ni Kris kung ano pa ang kailangan ng mga nasalanta sa Mindanao.
"As of now, those areas na pinuntahan namin, walang kuryente, walang malinis na tubig.
"Kung tatanungin n'yo po ako kung ano talaga ang kailangan nila na donation, panglinis.
"Kasi talagang lahat ng mga bahay nila, lahat ng mga sasakyan, lahat ng mga kagamitan, lahat naputikan, dahil nga matinding-matindi talaga yung pagraragasa nung parang mudslide at nung baha.
"So, mga panglinis, malinis na tubig, malinis na mga damit and, of course, just to make it simple ha, wala pa kasing mga lutuan, e.
"Marami kasi ngayong mabibili na delata na yung ulam, luto na. Yung ready to eat, yung talagang bubuksan mo na lang, kakainin mo na.
"So, sana po naiisip n'yo na meron diyang mga kumpanya na hindi pa tapos ang mga Christmas party, or normally kasi nag-iisip tayo ng feeding program pag [December] 24 or 25, or nagse-share tayo ng Noche Buena.
"Isipin natin ngayon yung mga kapatid natin sa Mindanao," pakiusap ni Kris.
VICE, ANNE & ANGEL'S SACRIFICES. Binigyang-pugay at pinapurihan naman ni Kris sina Vice Ganda, Anne, at Angel sa ginawang sakripisyo ng mga ito para makasama sa relief operations at makatulong sa ating mga kababayan.
"Sabihin ko lang talaga na saludo talaga ako...
"Si Vice Ganda had a corporate show last night, kinansel niya, nag-backout siya for that to be with us in Cagayan de Oro.
"Si Anne Curtis had an endorsement na may party din. Yung endorsement niya Folded and Hung po, pinayagan din siya to miss that event to be with us.
"And, of course, si Angel talaga, tuluy-tuloy talaga yung ginagawa niyang pagkalampag sa mga kaibigan niya, lahat ng mga katrabaho, kasi cash ang kailangan na donations."
Dahil sa mga nasaksihan nila sa pagpunta nila sa Cagayan de Oro, dito raw nabuo ang panibagong hakbang na gagawin nilang magkakaibigan sa susunod na taon para makatulong sa bayan.
Sabi ni Kris, "I think siguro ang importante talagang mensahe nito, alagaan natin ang kalikasan.
"Parang after this whole experience, sa lahat ng nakita ko, kailangan talaga natin ng reforestation.
"Next year ha, trabahuhin natin 'yan dito. It has to be done in a way na it's entertaining.
"Nag-volunteer na si Anne Curtis, si Angel, ako, at si Vice na gagawa kami ng infommercial with ABS-CBN about how to take care of the environment, proper waste management, at yung saan ba tayo kailangang mag-plant ng bagong puno and all.
"Gawin nating fun para hindi naman kayo ma-bore habang pinapanood ninyo.
"Pero, at least, may matututunan tayo."