Rochelle Pangilinan on boyfriend Arthur Solinap: "Nakita mo lang ang importansiya ng isang tao noong wala na siya. Kasi, akala mo, palaging nandiyan. Pero noong wala na, ayun, nalulungkot na 'ko. Aminado naman ako."

Photo: Noel Orsal

"Ang ganda-ganda!

"Hindi ako binigyan ng sakit ng ulo ni Arthur nitong buong taon!" natatawang biro ni Rochelle tungkol sa kanyang boyfriend na si Arthur Solinap.

Dagdag pa niya, "Ang ganda lang. Maayos din kaming buong family ko.

"Masaya lang ang 2011."

AMAYA. Pansamantalang nabawasan ang exposure ni Rochelle sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya. Pero ngayon nga raw ay visible na naman ang role niya bilang si Marikit.

Ayon kay Rochelle, "Ngayon, hindi na ako baliw. Pinatino na nila ako. 

"Actually, kahit ano naman ang gawin nila, happy ako kasi naging kasama ako do'n.

"Masaya ako dahil hindi rin naman biro-biro ang mga artistang kasama ko do'n. 

"So, thankful pa rin ako.

"Sobrang ang saya-saya ng pakiramdam na nakasali ako sa show."

BROKEN VOW. Hindi pa man natatapos ang Amaya, may follow-up project na sa Kapuso network ang dating Sex Bomb dancer na nakilala sa Eat Bulaga!

Kasama si Rochelle sa afternoon soap na Broken Vow, na pagbibidahan ni Bianca King.

 "Eto, e, pang-hapon naman 'to at maraming makaka-relate dito kasi about lovelife ang story nito.

"Siyempre, kontrabida pa rin ako dito," saad niya.

Mas gusto na ba niyang malinya sa kontrabida matapos ng mga pagbibida niya noon sa Daisy Siete?