PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Countdown to MMFF 2011: Which movie will bag the most awards and rule the box-office?

Out of the seven entries, two movies, Segunda Mano and Enteng Ng Ina Mo, both co-produced by Star Cinema, chose not to
by Monching Jaramillo
Published Dec 22, 2011
(From top to bottom) The stars of Shake Rattle & Roll 13; Yesterday Today Tomorrow; Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga; and Ang Panday 2.

Tatlong tulog na lang at magsisimula na ang Piyesta ng Pelikulang Pilipino, o Metro Manila Film Festival 2011, sa araw mismo ng Pasko—December 25.

Bago nito ay ang inaabangan ding parada ng mga artista at karosa ng bawat pelikulang kalahok sa Sabado, December 24. Dasal ng halos lahat na sana ay hindi ito ulanin.

Ang nasabing parada kasi ang magsisilbing hudyat na simula na ang piyesta ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Marami rin ang nag-aabang kung aling float ang tatanghaling pinakamakulay at pinakamaganda—at 'yan ang aabangan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa inyo.

Patuloy na mababasa ang tungkol sa mga kaganapang ito sa MMFF microsite ng PEP.

WHERE'S CARLA ABELLANA? Habang papalapit naman ang mismong pagbubukas ng MMFF, nauna nang nagdaos ng premiere night ang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, noong Sabado, December 17, sa SM Manila.

Inabangan sa nasabing premiere night kung dadalo ang leading lady ni Governor ER Ejercito na si Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna kasing napaulat na hindi pinayagan ni Mother Lily Monteverde si Carla na mag-promote ng Asiong Salonga dahil exclusive contract star siya ng Regal Films na pag-aari ng lady producer.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Mother Lily, na producer din ng isa pang MMFF 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow, kung saan kasama rin sa cast si Carla.

Wala man ang leading lady ni Governor ER sa premire night, ang katambal naman ni ER sa isa pa niyang pelikula (El Presidente), si Nora Aunor, ang nagbigay suporta sa actor-politician.

Ayon sa mga nauna nang nakapanood, papuri ang inaani ng nasabing pelikula, na nakatanggap din ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Pero sa gitna nito ay ang pagsulpot naman ng isyung gustong ipatanggal ng direktor ng Asiong Salonga na si Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan sa credits ng nasabing pelikula.

Hindi nagustuhan ni Direk Tikoy ang ginawa ng kampo ni Governor ER na mag-reshoot ng ilang eksena at i-reedit ang natapos na niyang obra nang wala siyang nalalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PARTY WITH PANDAY. Hapon ng Lunes, December 19, ay nagdaos naman ng special screening ang Ang Panday 2 ni Senator Bong Revilla sa Megamall, na dinaluhan ng press at mga bata mula sa iba't ibang orphanage.

Nagsilbi rin itong Christmas party treat ni Bong, ng asawa niyang si Lani Mercado, at ng anak na si Jolo Revilla sa mga tiga-press na dumalo.

Kagabi, December 21, ay ginanap ang premiere ng Panday 2 sa SM Megamall din.

Ayon naman sa mga nagpunta sa screening, totoo raw na mas kamangha-mangha ang special effects nito sa nauna nang Panday movie.

TRILOGY NIGHT. Kinagabihan naman noon ding araw ng Lunes ay ginanap ang premiere ng Shake Rattle and Roll 13.

Dumalo ang main stars ng unang episode na "Tamawo," na sina Zanjoe Marudo at Maricar Reyes.

Naroon din ang young stars na bida ng pangalawang episode na "Parola," na sina Kathryn Bernardo, Louise delos Reyes, at Sam Concepcion.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At sa pangatlong episode na "Rain Rain Go Away" ay naro'n naman ang bidang si Eugene Domingo, kasama si Edgar Allan Guzman.

Sinasabing sadyang sa huli, o pangatlong episode, inilagay ang obra ni Direk Chris Martinez dahil nakagawian na raw, tuwing may Shake Rattle & Roll, na sa dulo inilalagay ni Mother Lily ang sa tingin niyang pinakamaganda sa trilogy.

Nagsabi naman si Direk Jerrold Tarog, na may obra ng "Parola" na pangalawang episode, na unfair itong sabihin dahil, kung iisipin, ang unang episode ang magmumukhang kulelat.

MARICEL'S COMEBACK. Marami naman ang nagandahan sa mga nakapanood na ng Yesterday Today Tomorrow (YTT), na nagkaroon ng premiere night noong Martes, December 20.

Sobrang siksik daw ang kuwento ng YTT, na puwedeng gawing isang teleserye sa dami ng subplots.

Given na raw na magaling pa rin si Maricel Soriano sa kanyang pagbabalik-pelikula.

MR. AND MRS. Ngayon namang gabi, December 22, ginanap ang premiere sa SM Megamall ng My Househusband: Ikaw Na!, na tambalan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balita namang hindi na magkakaroon ng premiere ang pelikulang Segunda Mano na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Dingdong Dantes, at Angelica Panganiban.

Pero mapapansing todo-promote si Kris ng kanilang pelikula sa iba't ibang shows ng Kapamilya network.

Pinanghahawakan ni Kris ang Grade A ring nakuha nila mula sa CEB para pasukin ang kanilang entry.

Ang Enteng ng Ina Mo ay hindi na rin daw magdadaos ng premiere night.

Opinyon ng iba, kampante ang tambalang Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas, na kilalang malakas ang hatak sa takilya lalo na tuwing may kasali silang pelikula sa MMFF.

Parehong co-produced ng Star Cinema ang Segunda Mano at Enteng Ng Ina Mo.

Kung tutuusin, sadyang maaga pa para sabihin kung alin sa pitong pelikulang kalahok sa MMFF ang mangunguna sa takilya.

Abangan na lang natin kung alin sa mga pelikulang kasali ang hahakot ng awards sa MMFF Awards Night na gaganapin sa December 28, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagiging pamantayan din kasi ng mga manonood na kung aling pelikula ang may pinakamaraming awards ang siya nilang papasukin.

Read Next
Read More Stories About
Asiong Salonga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From top to bottom) The stars of Shake Rattle & Roll 13; Yesterday Today Tomorrow; Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga; and Ang Panday 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results