Senator Bong Revilla asks his colleagues in the film industry to help victims of typhoon Sendong: "Sa mga kasamahan namin sa movie industry, sana po pagtulung-tulungan natin na makatulong tayo. Ito na yung panahon, lalung-lalo na itong panahon ng Kapaskuhan. Kung anuman ang maitutulong natin sa kanila, tulungan po natin ang mga kababayan natin sa Mindanao."

 

Photo: Noel Orsal

Matinding pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga kababayan natin sa Mindanao, partikular na ang mga taga-Cagayan De Oro, Iligan City at mga karatig-lalawigan matapos silang masalanta ng flashfloods sanhi ng bagyong "Sendong."

At sa gitna ng ganitong kalamidad, sama-sama ang buong industriya para makalikom ng tulong para sa mga naging biktima ng trahedya.

Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, December 24, nuong December 17 nagsimula ang telethon ng GMA Kapuso Foundation na sinuportahan ng mga Kapuso celebrities.

Noong Miyerkules naman, personal na nagtungo si Senator Bong Revilla Jr.  sa Cagayan de Oro.

"Nakakalungkot talaga ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Cagayan, talagang kitang-kita mo yung lungkot sa mukha nila, talagang... pero kahit konti napangiti ko nung dumalaw ako doon.

"Kaya nga nakakaiyak na nakakatuwa. Kaya babalik ulit ako. After Christmas I'll go back to Cagayan de Oro," sabi pa ng lead star ng MMFF entry na Panday 2.

Ang Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes ay tumatanggap din ng mga donasyon.

"Kasi may mga dumarating na donations, so what we'll do is to course it from Yes Pinoy Foundation and then we will course it through GMA Kapuso Foundation kasi hindi naman lahat ay may access at makakapunta sa Cagayan de Oro," pahayag ni Dingdong.

Ang kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera ay sa Red Cross naman pinadaan ang kanyang tulong.

"Nakipag-coordinate ako sa Red Cross, nagpunta kami doon. "Basta may mga bagay na idinonate ako sa kanila.

"Yun nga lang hindi ako makapunta dahil ang dami kong ginagawa pero pag nagkaroon ng time, pupunta rin naman ako doon."

Ang mga OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) artists, sa pangunguna  ng kanilang head na si Ogie Alcasid ay gumawa rin ng paraan para  makatulong sa mga biktima ng bagyong Sendong.

The songwriter posted on his Twitter account...

"OPM artists aid typhoon Sendong victims. Download Kaya Natin Ito! now for only 15 pesos. Just log on to http://www.opm2go.com and all proceeds to go to Philippine National Red Cross. Pilipinas, tulong na!"

Ayon pa rin sa report ng Startalk, noong Biyernes, December 23, ay personal na dinalaw ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang mga nasalanta ni Sendong upang mag-abot ng tulong.