Hindi man gano'n kagarbo, masaya ang Superstar na si Nora Aunor dahil kasama niyang sumalubong at nagdiwang ng Pasko ang kanyang mga anak at apo.
"Si Guy ang pinakamasayang tao kagabi!" pag-inform ni Glenda Kennedy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong hapon ng Disyembre 25.
Guy ang siya ring tawag kay Nora.
Si Glenda ang naging pinakamatalik na kaibigan ni Ate Guy mula sa San Francisco, USA. Nag-celebrate ito ng bisperas ng Pasko at noche buena sa Eastwood condo unit ng singer-actress.
"Am so happy for her and I'm so proud of her children and grand kids!
"They are all very nice and very respectful! What a beautiful family they have!" kuwento pa ni Glenda.
Natutuwang pagkuwento pa ni Glenda, tinatawag siya ni Ate Guy na "Manay" Glenda, o Manay Gee, na parang Super Gee, ang 1973 action trilogy ni Nora.
"I had goose bumps as I watched Ate Guy and her kids share the happy occasion—laughing and loving each other!"
Ilang linggo bago mag-Christmas, hinihintay-hintay na ni Nora ang magiging pagdiriwang na ito, na kasama ang buong pamilya.
NATUPAD ANG WISH. At natupad nga ang kaniyang inaasam.
"Masaya ako dahil first time ko uli na dito magki-Christmas, kasama ang family ko," sabi ni Ate Guy nang makausap ng PEP sa araw na siya mismo ang nagde-decorate ng kanyang unit.
Dalawang beses bago mag-Pasko, nakausap uli ng PEP si Ate Guy.
Una, nang ma-interview siya ni Boy Abunda para sa Cinema One's Most Fascinating, Interesting and Exciting (F.I.E.) People interview-feature, kung saan nanguna si Ms. Aunor sa pilian.
Sinimulang isahimpapawid ang interview-feature, sa Cinema One channel ng Skycable, noong Disyembre 23.
Sunod, noong Disyembre 15, nang nag-guest si Ate Guy sa show ni German Moreno, sa Channel 7, na Walang Tulugan With The Master Showman.




0

