"Lahat naman tayo gustong makaranas na gumawa ng mature roles, di ba? Para maiba lang at maranasan ko naman ang ibang roles. Gusto kong sumubok ng heavy drama para maiba lang. Kaya nga parati kaming nagwu-workshop para mapaghandaan namin ang mga gano'ng klaseng roles," says Jhake Vargas.

Photo: Noel Orsal

HOLIDAYS WITHOUT HIS MOM. Medyo naging malungkot nga lang ang Christmas at New Year ni Jhake dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

Ang ina kasi ni Jhake ang punong-abala sa mga nagiging handa nila tuwing Noche Buena at Media Noche.

Ngayon at wala na ang ina niya, sila-sila na lang daw magkakapatid ang nagtutulung-tulong para maging masaya ang pagpasok ng 2012.

"Iba talaga, kasi wala na si Mama," sabi ni Jhake.

"Nami-miss naming lahat ang luto niya.

"Magaling kasi magluto si Mama at siya talaga ang nag-aasikaso ng lahat kapag Christmas at New Year.

"Kaya kaming magkakapatid na lang at si Papa ang nag-asikaso.

"Gusto namin na kahit wala si Mama, maayos kami at masaya pa rin kami.

"Yun ang isa sa hiling ni Mama bago siya namaalam—yung maging masaya kami kahit wala na siya."

MATURE ROLES. Isa sa mga wish ni Jake sa 2012 ay ang mabigyan na siya ng mature roles at unti-unti nang makawala sa tween image.

Aniya, "Lahat naman tayo gustong makaranas na gumawa ng mature roles, di ba?

"Para maiba lang at maranasan ko naman ang ibang roles.

"Gusto kong sumubok ng heavy drama para maiba lang.

"Kaya nga parati kaming nagwu-workshop para mapaghandaan namin ang mga gano'ng klaseng roles.

"Pero siyempre, gusto ko ay kasama ko pa rin si Bea. Siya pa rin naman ang gusto kong maka-partner."