Pokwang on her launching movie: "Nagkataon lang talaga na ang pelikula, hindi nalayo sa pagiging Marietta Subong [her real name] ko sa totoong buhay. OFW [overseas Filipino worker] ako. Nagpapasalamat naman ako dahil ako talaga ang binigyan nila ng tiwala na gawin ito sa TFC, di ba?"

Photo: Noel Orsal

Opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel ngayong 2012 ang launching movie ng comedienne na si Pokwang—ang dramatic film na A Mother's Story.

Pero taliwas sa inaasahan ng marami, isang dramatic movie ang pinagbibidahang pelikula ni Pokwang.

Noong mismong New Year, January 1, live na nag-guest si Pokwang sa The Buzz para sa one-on-one interview niya kay Toni Gonzaga.

Magkasama rin sina Pokwang at Toni sa daily noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! (HYY).

Pero hindi lamang ang pagkakaroon ng launching movie ang bago kay Pokwang, kundi maging ang pagkakaroon niya ng bagong bahay.

Kasabay ng bagong taon ang paglipat ni Pokwang sa kanyang bagong bahay.

Ayon sa komedyana, "Ay, napakasaya!

"Hindi ba nga, kinukuwento ko sa dressing room sa inyo kahapon [December 31] sa HYY na excited ako sa bagong bahay ko kasi first new year... lahat."

Maraming magagandang nangyari kay Pokwang nung 2011, pero ano ba ang pinaka-pinasasalamatan niya?

"Unang-una, siyempre, natupad yung mga pangarap ko na mabigyan ng mga disenteng tahanan ang mga mahal ko sa buhay.

"Yun naman talaga ang pinakaimportante, di ba, yung mga mahal natin, walang masamang mangyayari sa kanila.

"Yun na ang bonggang-bongga para sa akin," saad niya.

Meron bang New Year's resolution si Pokwang?

"Doon nga ako nagtataka, bakit kapag New Year lang natin ginagawa, e, puwede namang araw-araw yun, di ba?" sagot niya.

LAUNCHING MOVIE. Kuwento ni Toni, tuwing mag-uusap sila ni Pokwang ay palagi nitong sinasabi na kinakabahan siya tuwing maaalala niya na malapit nang ipalabas ang kanyang pelikula.