Hayden Kho on video scandal of Mo Twister and Rhian Ramos: "Sana naman matuto ang mga tao sa pagkakamali ko before at sana hindi na ito maulit."

Melba Llanera
Tuesday, January 03, 2012 @ 02:31PM  |  503 views

 

Hayden Kho on issue of Mo Twister and Rhian Ramos videos going viral: "Itong me getting involved in this issue, this is nothing compared to what happened to me. Kung masama man ako sa insult o pang-aasar ng mga tao, okay lang. Hindi naman sila importante sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. Sa akin, ang importante, nagiging kaibigan ako ng dalawang tao, at sana matapos na ang problemang ito kaagad. Wala namang mananalo sa ganitong laban."

Photo By: Noel Orsal













Isa sa pinakamalaki at pinag-usapang balita noong 2011 ay ang breakup nina Mo Twister at Rhian Ramos. 

Lalong umigting ang isyu sa pagitan ng dating magkasintahan dahil sa pagkalat ng dalawang videos.

Una ay ang confession video ni Mo, kunsaan isiniwalat nito ang plano diumanong pagpapalaglag ni Rhian ng kanilang anak.

Pangalawa ay ang video ng lambingan nina Mo at Rhian, na parehong nakadamit, sa harap ng camera.

Sa paglabas ng nasabing videos, nadawit ang pangalan ng dating cosmetic surgeon na si Hayden Kho.

Si Hayden ay malapit na kaibigan ni Mo.

Dahil sa paglabas ng videos ni Mo, nanumbalik sa marami ang sex-video scandal naman ni Hayden noong 2009.

Matatandaang naging isang malaking kontrobersiya ang pagkalat sa Internet ng sex videos ni Hayden kasama ang iba't ibang babae, kabilang na ang ilang celebrities.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hayden sa telepono noong Linggo, January 1, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa video scandal ng kanyang kaibigang si DJ Mo.

Ayon kay Hayden, "Actually, kaibigan ko yung dalawa—sila Rhian and Mo. Malinaw ako dun. 

"Sinasabi ko kay Mo na kaibigan ko si Rhian, at sinasabi ko kay Rhian na kaibigan ko si Mo.

"Lagi ko silang tinatanong, 'Do you want to do right or do you want to be happy?'

"At the end of the day, kung tama ka nga at hindi ka naman masaya, bale wala din."

Dagdag pa niya, "Hindi ko masyadong nakakausap si Mo kasi wala siya rito, at si Rhian hindi ko rin masyadong nakakausap.

"Pero I'm sure kailangan nila ng kaibigan ngayon, hindi nila kailangan ang pangungutya ng mga tao."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name