Precious Lara Quigaman on future hubby Marco Alcaraz: "Sigurado talaga ako sa kanya."

Rey Pumaloy
Wednesday, January 04, 2012 @ 12:32PM  |  518 views

 

Precious Lara Quigaman on Marco Alcaraz's image: "Naku, nung nanliligaw pa lang siya sa akin, ang dami nang nagsasabi sa akin ng ganyan. Pero ako naman kasi ang tipo ng taong hangga't hindi nakikita ng sarili kong mata... At kung ano yung sinasabi sa akin ni Marco, yun ang paniniwalaan ko. At nakikita ko rin naman from him, yung totoo."

Photo By: Noel Orsal













Maayos at masayang nagtapos ang holiday season para sa magkasintahang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz nitong nakaraang 2011.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lara matapos ang live guest appearance niya sa Paparazzi noong Linggo, January 1,  sa studio ng TV5.

Kuwento ng former Miss International, sa pamilya ni Marco sa Cebu City sila nagdaos ng Pasko ni Marco. 

At nitong nakaraang New Year, ang pamilya naman ni Lara ang nagpunta sa bahay nila Lara at Marco.

"Lahat sila nagpunta dito. Nagluto lang kami, tapos kumain.

"Masaya naman, kasi yung bonding namin, parang feel na feel kong Alcaraz ako kahit paano.

"Kasi nga, sobrang nag-e-effort rin silang makasama ako at makasama ko rin sila," lahad ni Lara.

THE WEDDING. Ngayong 2012 ang countdown para sa nalalapit na kasal nina Lara at Marco.

Ayon kay Lara, "Okey naman. Medyo stressful dahil yung mga...

"Kasi habang umiikli ang panahon, lalo kaming napi-pressure dahil sa kailangan pa naming gawin. 

"Pero, okey naman lahat. Medyo naayos naman namin unti-unti."

Walang pagbabago: sa October 2012 pa rin ang kasal nina Marco at Lara. 

Hindi pa lang sila makapagbigay ng konkretong detalye tungkol sa wedding.

Saad ni Lara, "Yung mga details, hindi pa talaga namin plantsado. 

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name