May tao na palang nagalit kay Gina Alajar dahil sa kasalbahihan niya bilang si Dian Lamitan sa epicseryeng Amaya.
At ito ay isang pari!
Ayon sa kuwento ni Miss Gina...
"As in meron na talagang tahasang nagsabi sa akin na 'Galit ako sa yo!'
"It's this pari, it's this priest during the wedding of Paulo Molina, AD [assistant director] ni Direk Joel [Lamangan], nag-ninang kami.
"So nandun ako sa harap tapos talaga from his homily nag-divert siya ng sinasabi, tapos sinabi niya talaga, 'Ikaw, galit ako sa yo!'
"Nag-uumpisa pa lang [nuon] ang Amaya. Bumaba siya [from the pulpit], 'Ikaw galit ako sa 'yo. Bakit mo pinahihirapan si Amaya?'
"Ganyan-ganyan, 'Lagi akong nanonood at galit na galit ako sa yo!'
"Ganun. Iyon lang naman yung ano," kuwento sa amin ng actress/director tungkol sa epekto ng kontrabida role niya sa naturang epicserye ni Marian Rivera.
Naganap ang aming interview with Miss Gina kahapon sa set ng taping ng Amaya ng GMA-7 sa Marilao, Bulacan.
Sa mga malls naman raw, hindi niya naranasan na may nang-away o nanakit sa kanya dahil sa galit kay Dian Lamitan.
"Thank God naman wala pa namang ganyan, but I was aware of that, I was aware of that so I make sure na when I go out I'm very simple, I wear my eyeglasses, yung ganyan ba.
"Para lang makita nila na... minsan halos wala akong make-up para makita nila na ibang-iba yung itsura ko every night na nakikita nila ako sa television.
"Pero as far as I'm concerned wala naman akong ano, wala namang humablot pa at nagalit.
"Merong ano, merong minsan yung mga old people na ganyan, 'Naku, gigil na gigil ako sa yo!'




0

