A priest, a few old folks and her hairdresser are among the people who are "angry" with Gina Alajar's character, Dian Lamitan, in the epicserye Amaya.

"'Naku, ginalit mo na naman ako kagabi!' Yung mga ganun, pero alam naman nila na it's all acting," Gina relates.

Photo: Courtesy of GMA-7

"Yung ganun. Pero sasabihin din nila, ang ganda-ganda ng Amaya, yung ganun.

"Ang galit na galit sa akin, yung hairdresser ko, yung pinupuntahan ko na nagbu-blower sa akin, nagkukulay sa akin ng buhok.

"Galit na galit siya every time na ano... 'Naku, ginalit mo na naman ako kagabi!'

"Yung mga ganun, pero alam naman nila na it's all acting."

AWARDS. Sa husay nga ni Gina Alajar sa pag-arte ay nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Golden Screen Awards for TV ng Entertainment Press Society o ENPRESS.

May "hang-over" pa ba siya sa nasabing award?

"Medyo matagal ko namang dinala," ang natatawang sinabi ni Miss Gina.

"Siyempre, sa taping di ba, lahat 'Congratulations!', yung ganyan, kung saan man ako magpunta, yung mga nakakaalam, di ba?

"So matagal-tagal ko siyang nadala, yeah, yung ganun," at muling tumawa ang aktres.

Bago ang naturang award ay nanalo rin si Miss Gina sa ENPRESS...

"I think by ENPRESS also but it was a lifetime achievement award, yung Lino Brocka, I think that was the last one."

"Nae-excite pa ba siya sa mga awards at recognition sa kanyang kahusayan sa pag-arte?

"You know I think hindi naman mawawala yun, especially when you win in a project that you like, yung ganun, yung talagang alam mo yung proyekto, pinaghihirapan mo.

"Tapos parang ano, parang yung ma-recognize yung effort  mo at yung trabahong  binigay mo dun sa work na yun, yung ganun.

"Tapos na-recognize ng mga tao, iyon masarap yun, masarap yung feeling.