Nakaalis na ang Superstar na si Nora Aunor papuntang Amerika.
Kagabi, January 8, bandang 8:30 p.m., ang flight ni Nora via Philippine Airlines (PAL) PR 112 patungong Los Angeles, California.
Mula roon ay tutungong Boston, Massachusetts si Ate Guy para sa nai-reschedule niyang throat operation sa isang hospital doon.
Matatandaang January 5 ang unang flight schedule ni Nora, pero kailangang i-postpone 'yon dahil sa ilang travel papers na kailangan pang maisaayos.
Kahapon, ganap na ika-5:30, dumating sa NAIA Terminal 2 si Nora kasama ang kaibigan niyang si John Rendez.
Kasamang naghatid ng dalawa sina Boy Palma (Nora's personal manager) at Albert Sunga (ang coordinator ng mga fans groups ng singer-aktres).
As early as 4 p.m. ay nasa NAIA naman ang ilang opisyales ng Nora fans groups (GANAP at Solid Noranians) para magpaalam sa kanilang idolong aktres.
Hindi inaasahan ni Ate Guy na mayroong fans na maghahatid sa kanya sa airport dahil masama pa rin ang panahon.
Nasa airport din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ang ilang staff at crew ng Aksyon News team ng TV5 at TV Patrol ng ABS-CBN.
Bago pumasok sa Departure Area ng NAIA Terminal 2 ay nakausap ng PEP at ng media representatives si Ate Guy.
Para sa hindi pa nakabatid ng sanhi ng pagpuntang Amerika ni Nora ay muling binanggit ng Superstar ang kanyang pakay doon.
Aniya, "May schedule ako para sa operasyon kaya kailangan kong bumalik sa Amerika. Siguro, mga isang buwan lang."
Ayon naman kay Boy, "January 10 na ang scheduled operation ni Guy, kasi nga na-move ang pag-alis niya.
"Agad namang ni-reschedule ng kausap niyang doktor ang operation niya."
The name of the hospital remains undisclosed.




0

