Melissa Ricks admits getting upset over on-air teasing directed at her and ex-boyfriend Jake Cuenca: "I do not find it amusing."

Melba Llanera
Wednesday, January 11, 2012 @ 03:41PM  |  60369 views

 

Melissa Ricks on ex-boyfriend Jake Cuenca: "For me, I think it's better off na hindi na lang kami maging friends, it's better that way. I don't want to say anything bad. I tried, we tried, but it didn't work out. Siya [Jake] ang nagsabi na maging friends kami, e, pumayag naman ako, but it didn't work out that way. Mas okay ngayon na yung civil na lang kami, so deadma na."

Photo By: Noel Orsal













Noong Linggo, January 8, ay sabay na nag-celebrate ng kanilang birthday sa ASAP 2012 ang dating magkasintahan na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca.

Si Melissa ay nagdiwang ng kanyang 22nd birthday noong January 9, samantalang si Jake ay nag-24 noong December 30.

Kaugnay nito, may lumabas na balita na nag-iiyak daw si Melissa pagkatapos ng double birthday celebration nila ni Jake sa musical-variety show ng ABS-CBN.

Na-offend daw kasi ang young actress sa ginawang panunukso sa kanila ng ilan sa mga hosts ng ASAP habang ini-interview sila nang sabay.

"IT'S WRONG." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa sa grand presscon ng Walang Hanggan kagabi, January 10, inamin niyang nasaktan siya nangyari at tuluyan nang umiyak.

Saad ng young actress: "I got upset.

"It's my birthday and after nung prod [production number] namin, 'pinagsama kami sa stage, that's fine.

"I was not told na yun ang mangyayari, may tuksuhan.

"I think it's wrong. I think they shouldn't have done that on my birthday.

"I think hindi nila naiintindihan kung ano ang nangyari.

"Ang mga hosts, nag-sorry sila sa akin.

"I do not find it amusing. I do not find it funny anymore.  

"I know he's [Jake] moving on; ako, I'm moving on. Yun na lang."

Ang magkasintahang sina Billy Crawford at Nikki Gil ang nag-interview kina Melissa at Jake pagkatapos ng magkahiwalay nilang production numbers.

Ipinakita naman sa camera ang iba pang kasama sa ASAP 2012 na tila kinikilig at sumisigaw ng "Kiss! Kiss!" habang ini-interview nang sabay ang dating magkasintahan.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

41 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name