JC de Vera confirms breakup with girlfriend Danita Paner

Joyce Jimenez
Saturday, January 14, 2012 @ 04:43PM  |  17110 views

JC de Vera tries to explain his breakup with Danita Paner: "Hindi, ano kasi, for the longest time, parating may girlfriend. Hindi ko naman sinadya talaga na maging single. Pero no'ng time na nagkakaroon na ng crisis sa amin ni Dan [Danita], nagkakaroon na kami ng problema, may mga bagay lang na ang hirap ibalik."

Photo By: Joyce Jimenez













"Ito, single!"

Ito ang naging sagot ni JC de Vera nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang kanyang love life.

Inamin niya sa amin na tinapos na nila ng kanyang dating nobya na si Danita Paner ang one-year relationship nila, noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nakapanayam namin siya noong Huwebes, Enero 12, sa pocket interview ng ilang TV5 stars sa Casino Español, Cebu City, bago ang kanilang inihandang programa ng hapon din na iyon.

MUTUAL DECISION. "Mutual decision" daw ang kanilang paghihiwalay ng mga oras na iyon, kahit pa si Danita ang talagang nakipaghiwalay sa kanya.

Gayunman, hindi gaano nagbigay ng detalye ni JC sa naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Ang tanging malinaw lang daw ay may "crisis" silang pinagdadaanan kung kaya't nagdesisyon silang tapusin na ang kanilang relasyon.

"Hindi ano kasi, for the longest time parating may girlfriend. Hindi ko naman sinadya talaga na maging single.

"Pero no'ng time na nagkakaroon na ng crisis sa amin ni Dan [Danita], nagkakaroon na kami ng problema, may mga bagay lang na ang hirap ibalik.

"Partly sa work, partly lang, hindi ko sinasabi na 'yon ang main reason, pero isa siya sa mga napag-usapan.

"Hindi, hindi naman selos, wala, walang third party. Well, 'yon ang sinasabi nilang lahat kasi hindi naman talaga kami nagku-kwento ng tungkol do'n.

"Kasi mayro'n din siyang personal problems, e, bukod sa aming dalawa.

"'Yong personal problems na 'yon hindi talaga ako nakikisali talaga do'n, e."

Nagkaka-usap pa rin naman daw sila, lalo pa't magkasama sila sa isang show, Hey! It's Saberday!, ang Saturday noontime variety show ng TV5.

Kuwento niya, "Magkasama nga kami sa isang show pa, so regular na nagkikita.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name