Mahigit dalawang linggong nawala si Pauleen Luna sa Eat Bulaga! dahil  inoperahan ito sa bibig gawa nang pagkaka-aksidente niya sa bike.

"Okay na lahat, although hindi pa ako makapag-full smile kasi katatanggal lang ng tahi sa bibig ko. So I had to stretch [it] before coming to the show," Pauleen says. 

 

Photo: Gorgy Rula

Bumalik na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga! nuong Sabado, January 14, at ito ang first day of work niya sa taong 2012.

Mahigit dalawang linggo siyang nawala sa noontime show dahil inoperahan ito sa bibig gawa nang pagkaka-aksidente niya sa bike.

"Okay na lahat, although hindi pa ako makapag-full smile kasi katatanggal lang ng tahi sa bibig ko. So I had to stretch [it] before coming to the show," sagot ni Pauleen.

Habang wala ang batang aktres sa Eat Bulaga!, ang daming espekulasyon ang naglabasan.

Hindi na raw ito babalik dahil sa isyu nila ni Vic Sotto.

Pagdating kay Vic, tikom pa rin ang bibig ni Pauleen at ayaw pa rin niyang sagutin ang isyung ito.

"Basta the real reason kaya wala ako ay dahil kailangan ko pa talaga magpagaling.

"Bakit hindi naman ako magtatrabaho sa first day ng taon e, every year naman that's what we do, so kinakailangan ko lang talaga magpahinga," aniya.

Tinanong rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen tungkol sa friendship nila ni Pia Guanio na dating girlfriend ni Vic.

Marami raw ang curious kung naapektuhan ang friendship nila dahil sa pagkaka-link ngayon ni Pauleen kay Vic.

"Of course not!" mabilis niyang sagot.

"Basta the whole dabarkads, we're all happy for her. We're very, very happy for her, kasi lahat kami sa Bulaga, especially me, mahilig sa bata. So, I'm all for motherhood," ang sabi ni Pauleen.

TIME OUT FROM TWITTER AND BBM. Ang isa pang pagbabago kay Pauleen ngayong 2012 ay hininto na niya ang kanyang Twitter account.

Pati ang BBM niya ay  deactivated na rin dahil ayaw na raw niyang maapektuhan ang mood niya sa mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Ayaw niyang tukuyin na isa sa mga nagti-tweet ay si Oyoboy Sotto na sinasabing nagpapasaring diumano kay Pauleen.