Umaapaw ang pagmamahal sa isa't-isa nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa presscon para sa lalabas nilang movie under Star Cinema Inc. at Starlight Productions, ang My Cactus Heart.
Ang presscon ay ginanap nuong Sabado nang hapon, January 14, sa Dolce Latte Restaurant.
Consistent si Matteo sa pagsabi nuong mga nakaraan niyang interview na mahal niya si Maja.
Pero nitong presscon para nga sa kanilang pelikula, isang linya ang pinakawalan ng young actor na ikinagulat ng entertainment press: Si Maja daw ang pinakahuling babae para sa kanya.
Hindi naman nagpatalbog si Maja. Sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan niya ang sarili niya sa press at sinabing si Matteo ang lalaking gusto niyang makasama nang matagal.
Kulang na lang ay seremonya at nagmistulang kasalan ang presscon dahil sa palitan ng love messages ng dalawa.
At sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matteo matapos ang presscon proper, nilinaw pa niya ang nararamdamang pag-ibig sa dalagang aktres.
Gagawin daw niya ang lahat para kay Maja.
"We've gone through a lot together.
"Ang dami na rin naming pinagdaanan at alam kong marami pa kaming pagdadaanan sa buhay.
"I accept everything as a challenge. God really has purpose for us and he'll lead the way," aniya.
Anong reaksyon mo nang sinabi ni Maja na ikaw ang gusto niya sa habang buhay?
"Talagang na-touch ako. Hindi niya sinasabi yan sa public.
"She keeps that to herself. I'm very, very proud that I have someone who's proud of me."
Sinabi na ba ni Maja sa iyo na sana ikaw na nga?




0

