Jolina Magdangal and Mark Escueta share bliss as newlyweds

Monching Jaramillo
Monday, January 16, 2012 @ 09:09PM  |  800 views

 

"Sabi nila, mas makikilala mo raw pagka kasama mo na palagi. Mas nakikilala nga namin ang isa't isa, pero parang nasu-surprise ako na, puwede naman na masayang-masaya lang palagi. O kaya nagkakaroon ng diskusyon paminsan-minsan, pero hindi leading sa nagbangayan na kayo nang bongga diyan, di ba?" saya Jolina Magdangal when asked if she and her husband Mark Escueta quarrel.

Photo By: Monching Jaramillo













Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and bagong kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta sa 50th birthday party ng GMA-7 Assistant Vice President for Drama na si Redgie Acuña Magno.

Ang party ay ginanap sa penthouse ng Emar Suites, Shaw Boulevard, Mandalayong City noong Huwebes, January 12.

Matapos kumain ng mag-asawa, unang kinumusta ng PEP ang first Christmas nila bilang Mr. and Mrs. Escueta.

Kuwento ni Jolina, "Christmas eve, nasa Tagaytay kami kasama yung family ko. 'Tapos mga 11:30...

"After dinner, bumababa naman kami ng Parañaque para kasama naman yung family niya."

Noong New Year's eve naman, nasaan at paano nila ito ipinagdiwang?

"Baguio!" parang batang sagot ni Jolina.

"Kailan tayo umakyat?" tanong ni Mark sa asawa.

"[December] 29 to January 1," sagot naman ni Jolina.

Silang dalawa lang ba ang umakyat sa Baguio?

"Kasama family ko," sagot ni Mark.

Sabi naman ni Jolina, "Niyaya namin yung both families [namin].

"Ngayon, yung sa parents ko 'tsaka yung sister ko, kailangan nilang bantayan yung Memory Lane," banggit pa niya sa restaurant at souvenir shop nila sa Tagaytay.

Dagdag ni Jolina, "Kasi, siyempre, New Year, so... e, ano may mga bookings kaya di na sila nakasama."

HONEYMOON? Natuloy na ba ang nabanggit noon ni Jolina sa kanyang mga interviews na balak nilang mag-honeymoon sa labas ng bansa?

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name