Naging memorable at special ang pagsalubong sa 2012 ng showbiz sweethearts na Cristine Reyes at Rayver Cruz.
Last December 30 ay lumipad ang dalawa papuntang New York City para doon i-celebrate ang New Year.
Isa raw sa highlights ng naging trip nila ay ang kanilang date noong New Year's eve sa Lunt Fontanne Theatre, kung saan pinanood nila ang Broadway musical na The Addams Family.
Naging favorite pasttime din daw nina Cristine at Rayver ang pagkain ng streetfoods sa Halal Cart, pati na sa sikat na burger stand na Shake Shack.
Pero ang pinaka-ultimate experience raw ng magkasintahan ay ang pagdalo nila sa Ball Drop noong New Year's Eve sa Times Square.
Dahil guest co-host si Cristine sa The Buzz kahapon, January 15, personal na ikinuwento ni Cristine ang mga naging experiences nila sa New York.
Kuwento ni Cristine: "Nag-celebrate lang kami ng New Year.
"Siyempre, first time namin na mag-out of the country together.
"First time naming mag-celebrate without our family.
"So, alam ninyo yun, ini-enjoy lang namin ang moment at kakatapos lang ng show namin na Reputasyon.
"So, yun ang bakasyon namin, treat namin sa sarili namin."
At the same time, nilinaw rin ni Cristine ang unang pagkaka-pronounce niya ng Louboutin, isang shoe brand, sa opening ng The Buzz.
May mga nag-react daw kasi sa Twitter niya at nagtu-tweet na mali ang pronunciation niya.
Sabi ni Cristine, "Sa mga nagre-react pala sa Twitter, it's Louboutin. I'm so sorry, tao lang."
NEW DISCOVERIES. Tinanong ni Boy Abunda si Cristine kung may mga bago siya na-discover tungkol sa kaniyang boyfriend sa trip sa Nueva York.




0

