Sa unang pagkakataon ay nagharap sina Luis Manzano at Patrick Garcia para sa isang interview.
Parehong may kaugnayan kay Jennylyn Mercado ang dalawang aktor.
Si Luis ang current boyfriend ni Jennylyn, samantalang si Patrick ang ama ng anak ng Kapuso actress-singer.
Naganap ang paghaharap nina Luis at Patrick sa Entertainment Live noong Sabado, January 14.
Ininterbyu ni Luis si Patrick, na nagbabalik sa Kapamilya network, sa naturang showbiz talk show ng ABS-CBN.
Excited ang mga tao sa loob ng studio sa interview sa pagitan ng dalawang aktor.
Narito ang naging pag-uusap nina Luis at Patrick:
Luis: "Talagang maraming natuwa na ikaw ay nagbalik-Kapamilya. In fact, nag-trending ka pa sa Twitter. How does it feel na from Channel 2, nagkabilang-bakod, then you came back, pero yung mga supporters mo 'andun pa rin talaga para sa 'yo?"
Patrick: "Well, I'm very blessed and fortunate na kahit saang istasyon ako pumunta, e, yung supporters ko ay nandiyan pa rin for me. Well, I'm here, back home."
Nagsimula ang career ni Patrick bilang child star sa dating programa ng ABS-CBN na Ang TV. Noong 2006 ay lumipat siya sa GMA-7.
Luis: "Nang may offer sa 'yo, na 'eto nga ang Channel 2, ano yung unang pumasok sa isip mo?"
Patrick: "Siyempre, naisip ko agad yung mga taong dating nakatrabaho ko, yung RM [road manager] ko dito sa Channel 2."
Luis: "Kung saka-sakali lang, bigyan ng pagkakataon na tawagin nating neutral ang lahat, papayag ka ba na gumawa ng isang proyekto kasama ako at si Jennylyn?"
Patrick: "Depende sa 'yo?" (sabay tawa)
Luis: "Sa akin, okay lang, kaya kong magsulat ng script."
Patrick: "Okay lang naman sa akin."
Luis: "Yes, a very, very good project.
"Second, 'eto nakita ka ng mga manonood na bata ka pa lang, e, nandito ka na sa ABS-CBN, nag-showbiz ka na, if given a chance, papayagan mo ba si Jazz na mag-showbiz?"
Si Alez Jazz ang anak ni Patrick kay Jennylyn.




0

