Barbie Forteza's wishes for 2012: "Sana po mabigyan pa ako ng chance na mag-portray ng iba-iba pang roles, para ma-improve ko po yung pag-arte ko. Sa personal life ko po, sana magkaroon ako ng mas madaming quality time with my family po."

Photo: Noel

Masaya si Barbie Forteza dahil may bagong afternoon soap ang kanyang kapwa tween star na si Bea Binene.

Si Bea ang bida sa upcoming afternoon telefantasya ng GMA-7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

 

Si Barbie naman ay napapanood sa afternoon series na Ikaw Lang ang Mamahalin.

Ayon kay Barbie, "Masaya po ako na may bago siyang show, siyempre!

"Happy po ako na lahat kaming mga tween stars ay nabibigyan ng projects ng GMA."

RIVALRY. Maituturing ba niyang rival o karibal sa popularity si Bea bilang tween superstar?

"About po sa rivalry, wala po akong iniisip na ganun, as in wala po.

"Magkaibigan po kami ni Bea, at kami po, ginagawa namin ang trabaho namin na wala kaming iniisip na competition," sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw apektado si Barbie sa isyung mas mataas ang mga botong nakuha ni Bea sa isang popularity online voting ng fans.

"Okay lang po 'yon," sambit niya.

"Hindi ko naman po hawak ang isip at desisyon ng mga tao.

"Kung mas gusto nilang iboto si Bea kesa sa akin, okay lang po sa akin iyon.

"Ako naman po kasi, regardless sa mga votes na iyon, ramdam na ramdam ko naman po ang todong pagsuporta sa akin ng mga fans ko, or namin ni Joshua—ang mga JoshBie fans.

"The same way na sinusuportahan rin si Bea ng mga fans niya."

NEW SCREEN PARTNER. Papayag ba si Barbie kung ipapareha siya sa bagong ka-loveteam? Makakaya na ba niyang "iwanan" si Joshua Dionisio bilang ka-loveteam?

"Kung ako po ang papipiliin, of course, I'll choose Joshua.