Charice throws 40th birthday party for her mom

Rommel Gonzales
Saturday, January 21, 2012 @ 06:03PM  |  2748 views

Naging usap-usapan si Charice dahil sa kanyang Preview magazine cover, ilang linggo na ang nakakaraan. May mga reaksyon kasi na niretoke or ginamitan ng Photoshop ang kanyang larawan.

"I think the Preview magazine team did a great job, sa makeup, sa hair," Charice says. "Actually, I mean, ayoko naman na i-defend yung sarili ko, baka sabihin nila di ba, na peke or whatever. Pero for me, ang totoo lang niyan—tinanggal nila yung pimples ko."

 

 

Photo By: Allan Sancon













Isang engrandeng party ang handog ni Charice para sa 40th birthday ng kanyang inang si Racquel Pempengco, na ginanap last Saturday sa Laguna.

Suot ang kanyang glittering silver gown, parang debutante si Mommy Racquel na dumating sa venue kasama ang kanyang escort.

May 18 roses din, kung saan nakasayaw niya ang ilang piling lalaking malapit sa kanya.

Sa taped interview kay Charice na ipinalabas sa Startalk TX kanina, January 21, tinanong ni Ricky Lo kung bakit debut ang motif ng party ng ina ng singer.

"Siyempre, alam ko naman na nung 18th birthday niya noon, hindi naman po niya na-experience yung mga ganito, so sabi ko gusto ko na ma-experience niya ito ngayon.

"I mean for me, kulang pa ito sa lahat ng pasasalamat ko for her," pahayag ni Charice.

Bukod sa party ay may regalo pa si Charice sa Mommy Racquel niya.

"Actually, ang gift ko po sa kanya, kasi since nandito po siya sa 'Pinas ngayon, inaayos po niya yung business, yung mga building na ginagawa, so... mahilig siyang mag-collect ng phones.

"So ang regalo ko sa kanya iPhone 4S."

Ang karamihan sa mga guests ay naka-black outfits. Iyon ba ang motif, lalo pa at wala pang one year na namamatay ang ama ni Charice...

"I mean, siyempre po, kung hindi po nawala yung daddy ko, pula po sana yung ano, pero di ba may kasabihan tayo, bawal kang magsuot ng pula?

"So iyon po dapat yung theme, [pero] since nawala si daddy... siyempre, sana andito siya, sana, di ba...

"Pero siyempre, ayoko namang maging malungkot yung day na ito."

LESSONS FROM 2011. Ang natutunan niyang leksyon sa skateboarding accident niya, at ang mga natutunan niya sa nagdaang 2011...

"Huwag mag-skateboard," at tumawa ang international singer.

1  2  3  Next »

Related Articles

39 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name