Nasa Cebu para magtanghal sa Sinulog Festival si Gladys Guevarra nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid, gabi ng January 15.
"Tumawag yung kapatid ko ng mga nine-ten ng gabi. Sumigaw pa ako, 'Ano?! Huwag ka ngang magsalita ng... ano, ano yun?!'
"Kasi parang hindi ko... tapos, 'Wala na si Papa!'
"Sabi ko, 'Ano?!'
"Shock, e! Una, hindi pa nagrerehistro, e.
"Tapos naputol yung signal. Hindi siya makakontak sa isang kapatid ko na nasa Batangas, so sinubukan ko.
"Tinawagan ko yung kuya ko, tapos hindi pumapasok yung tawag.
"Nung pumasok yung tawag, parang 'Ako ba, kaya ko bang mag-break ng news sa kanya?'
"Tapos nun, umupo ako ng saglit kasi parang hindi pumapasok sa isip ko.
"Tapos lumabas ako, tinawag ko yung aking partner, sabi ko, 'Wala na raw ang Papa ko.'
"Tapos balik ako sa kuwarto, ayun na," kuwento ni Gladys sa taped interview sa kanya, Sabado, January 21, ng Startalk TX.
Aksidente sa minamanehong motorsiklo ang ikinasawi ng ama niyang si Roberto "Boy" Guevarra.
Pinaniniwalaang bumigay ito sa heart attack sanhi ng pagkakabagok ng ulo nang sumemplang ang sasakyan. He was 66.
Ang dalawang kapatid na lalaki ni Gladys ay merong premonition ng kamatayan ng kanilang ama.
Panaginip naman daw ang kay Gladys.




0

