Nadine Samonte on working with ex-boyfriend Oyo Sotto: "More professional na. More mature na siya."

Rose Garcia
Sunday, January 22, 2012 @ 07:41PM  |  608 views

Dating may relasyon sina Nadine Samonte at Oyo Sotto. Sa seryeng Valiente, gaganap sila bilang magkapatid. Nang magkahiwalay sila ni Oyo, naging friends ba sila?

"Nang magkahiwalay kami, ngayon lang kami nagkasama," Nadine says. "Kasi, after ng Leah [serye] sumunod yung pelikula, Forever My Love. After that, wala na. Ngayon na lang."

 

 

 

Photo By: Noel Orsal













Si Nadine Samonte ang gumaganap sa character ni Maila Braganza, ang role na dating ginampanan ni Mariz sa orihinal na version ng Valiente.

Si Nadine ang leading lady ni  JC de Vera na gumaganap bilang si Gardo Valiente.

Kuwento nga ni Nadine tungkol sa kanyang role, "Mabait ako rito. Kapatid ko si Oyo Sotto at si Niña Jose. 

"Gusto ko si Gardo. Pareho kaming nagkakagustuhan, pero may gusto rin sa kanya si Niña. 

"At isa akong ampon. Braganza family kami."

Aminado naman si Nadine na hindi niya napanood ang orihinal na Valiente kaya wala siyang ideya sa kuwento ng serye.

Sa totoong buhay, dating may relasyon sina Nadine at Oyo, na ngayon ay gaganap bilang magkapatid.  Kamusta naman sila?

Nakangiting sabi ni Nadine, "Okay lang. Wala... professional lang."

Nang magkahiwalay sila ni Oyo, naging friends ba sila?

"Nang magkahiwalay kami, ngayon lang kami nagkasama.  Kasi, after ng Leah [serye], sumunod yung pelikula, Forever My Love.

"After that, wala na. Ngayon na lang.

"Ngayon, masasabi kong more professional na [si Oyo]. More mature na siya.

"May family na siya. Kita mong nagma-mature na siya."

Masaya ba siya para kay Oyo?

Nakangiting sabi ni Nadine, "Oo naman. Masaya ako for him.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name