"These actors in government, hindi naman sila kailangan pagsabihan pa, e. Alam naman nila ang nagiging problema ng industriya. Yet still, they don't even mind it at all. It's a big disappointment, really," says Leo Martinez.

Photo: Noel Orsal

"Not many know it, but Leo Martinez is the best damn Shakespearian actor in the Philippines!"

CROSSING OVER. Mula sa teatro ay pinasok ni Leo ang mundo ng telebisyon at pelikula.

Nakilala siya sa kanyang comedic role as Don Robert Dinero sa GMA-7 sitcom na Ober Da Bakod, at bilang si Congressman Manhik Manaog sa IBC-13 show na Mongolian Barbecue ni Jun Urbano.

Sa mga TV shows naman ay lumabas na si Leo sa Sugo, Marimar, Zorro, Love To Love, Idol Ko Si Kap, Hokus Pokus, Gagambino, Kaputol Ng Isang Awit, Fantastic Man, at Sisid sa GMA-7.

Ginawa naman nito ang Tanging Yaman para sa ABS-CBN.

Sa pelikula ay nakita ang husay ni Leo bilang isang komedyante sa pelikulang Juan Tamad and Mr. Shooli: Mongolian Barbecue, kunsaan nanalo siyang Best Supporting Actor sa 1991 Metro Manila Film Festival.

Nagkasunud-sunod din ang mga pelikula ni Leo noong '90s at naging bida pa siya sa ilang comedy films tulad ng Batanguenong Kabitenyo, Dr. X on Air, SPO1 Don Juan: The Dancing Policeman, A.E.I.O.U., Ala-Eh Con Bisoy: Hale-Hale Hoy: Sinong Matalo Siyang Unggoy, at Mana-Mana Tiba-Tiba.

Nakasama rin si Leo sa critically-acclaimed films tulad ng Minsa'y Isang Gamu-Gamo, Kakabakaba Ka Ba?, Unfaithful Wife, Virgin Forest, Kailangan Kita, Dugo Ng Panday, Aswang, at Baler.

Saad ni Leo, "Nakaka-miss din ang mga panahon na iyon.

"Sunud-sunod ang mga movies natin and they were all making money.

"Ngayon kasi, mas nasa TV na ngayon ang mga artista.

"It's a good thing na paminsan-minsan ay nabibigyan tayo ng magandang role sa mga TV shows, 'tulad nga nitong sa 5 Girls And A Dad.

"Thank you to these people who still give importance to actors like me na nasa ganitong edad na!" tawa pa ni Leo.

FAP. Samantala, naglabas naman ng sama ng loob si Leo sa ilang celebrities na may posisyon ngayon sa gobyerno.

Hindi raw kasi nabibigyan ng pansin ng mga ito ang problema ng Film Academy of the Philippines (FAP).