Kylie Padilla was given a surprise birthday party by her father, Robin Padilla, last Saturday, January 21. But instead of rumored boyfriend Aljur Abrenica, Kylie's special guest that night was Rocco Nacino, her leading man in the upcoming afternoon soap, The Good Daughter.

Photo: File photo

Bukas, January 25, ang 19th birthday ni Kylie Padilla. 

Pero isang surprise birthday party na ang ibinigay sa kanya ng papa niyang si Robin Padilla noong Sabado, January 21.

"'Yong surprise birthday party para sa akin, isinabay na rin sa despedida ng mga kapatid ko. 

"Kasi they're going back to Australia," sabi ni Kylie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas ng GMA-7, noong Linggo, January 22.

Patuloy pa niya, "Ayun, isinabay na lang para bonggang-bongga 'yong party. 

"Ginawa 'yon sa bahay ni Papa...sa bahay namin. 

"Masaya kasi kumpleto 'yong family namin."

May special guest ba siyang dumating?

"Si Rocco [Nacino]!" sabay tawa ni Kylie.

"Bakit si Rocco? Siyempre, siya ang leading man ko sa The Good Daughter."

Ang The Good Daughter ang upcoming afternoon soap ng GMA-7 na pagtatambalan nina Kylie at Rocco.

BIRTHDAY GIFTS. Dalawa raw ang special gifts na natanggap ni Kylie for her birthday. Pero ayaw na niyang sabihin kung kanino galing ang mga ito.

"Basta 'yong isa, sa akin na lang kung ano. 'Yong isa naman, relo."

Galing ba sa dati pang napapabalitang boyfriend niyang si Aljur Abrenica 'yong isa sa dalawang birthday gifts?

"Secret!" natawa ulit si Kylie.