"Basta happy ang mommy ko sa nangyayari sa lahat. Kahit sino naman, mahalaga yung approval ng mga magulang. So, basta maayos lahat ngayon doon sa aspetong yun," says Bianca King when asked about her rumored relationship with Dennis Trillo.

Photo: Noel Orsal

Boto raw ang ina ni Bianca King sa rumoured boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Ito ang naging bukambibig ng Kapuso actress nang bisitahin siya ng Showbiz Central sa set ng upcoming afternoon prime soap ng GMA-7 na Broken Vow.

Ang rebelasyon ay nagmula sa balitang unti-unting nagiging vocal si Dennis sa closeness nilang dalawa ni Bianca.

"Very good! Good!" ang natatawang bungad ni Bianca sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central nitong Linggo, January 22.

"Happy ang mommy ko!" at muling tumawa si Bianca.

"Basta happy ang mommy ko sa nangyayari sa lahat.

"Kahit sino naman, mahalaga yung approval ng mga magulang.

"So, basta maayos lahat ngayon doon sa aspetong yun."

NOT JUST CO-STARS? Wala mang diretsahang kumpirmasyon sa tunay na namamagitan sa dalawa, tila pahiwatig ito na hindi lang basta-basta working relationship ang mayroon sina Bianca at Dennis.

Sa katunayan, bagamat pinili pa ring isapribado ang mga detalye sa kanilang ugnayan, aminado si Bianca na madalas silang lumabas ni Dennis.

"May time pa rin naman, madaming time pa rin," pagtukoy ni Bianca sa panahong nagkakasama sila ni Dennis.

"Time management. Basta okay lang na...acknowledge lang sa tao.

"Pero hindi na naman kailangan sigurong mag-explain talaga ng maraming bagay.

"Maganda na, yung you keep private yung ilang mga personal na bagay para mahiwalay yung work sa personal life."

WORKING TOGETHER. Samantala, bukambibig din ni Bianca ang excitement na hanggang ngayon ay marami silang opportunities ni Dennis na magsama on-cam, mula pa sa Sinner or Saint last year.