Carla Abellana in quandary about staying in GMA-7 or transferring to ABS-CBN

Rommel Gonzales
Tuesday, January 24, 2012 @ 05:31PM  |  727 views

 

"At the end of the day, it's still my decision, though napakalaki at napakahirap na desisyon. Lahat gagawin namin para, kumbaga, makaisip kami nang matino, para... Basta kailangang mapag-isipan namin lahat, makita namin lahat ng sides, lahat ng pros and cons. At mapag-usapan namin para hindi kami magsisisi sa bandang huli," says Carla Abellana about staying with GMA-7 or moving to ABS-CBN.

Photo By: Noel Orsal













Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa comebacking actor na si Michael de Mesa sa set ng Valiente ng TV5, sinabi niyang boto siya kay Carla Abellana para sa anak nitong si Geoff Eigenmann.

Si Carla ang girlfriend ni Geoff.

Kaya nang si Carla naman ang bisitahin ng PEP sa taping niya ng GMA-7 afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit kahapon, January 23, hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Michael.

"Ay, naku naman, nakakatuwa naman. That's good naman," sabi ng Kapuso actress.

Plano na ba nila ni Geoff na magpakasal?

"Naku, hindi pa, hindi pa! Ayaw pa naming pareho.

"Actually, hindi nga namin pinag-uusapan pa, e.

"Dapat siguro pag-usapan bago kami mag-decide na magpakasal kami.

"Ang dami pang dapat-i-take into consideration.

"Ayaw pa naming pareho," ulit niya.

RUMORED TRANSFER. Samantala, matunog ang balitang lilipat na si Carla sa ABS-CBN.

"Oo nga, e.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari, kung bakit ganyan kalakas ang mga bali-balita."

Baka naman inililihim lang niya, pero lilipat na nga ba siya?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

127 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name