Pinangunahan ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang induction ng new set of elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap kahapon, January 24, sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.
Guest of honor din sa nasabing okasyon si German Moreno at ang presidente ng National Press Club na si Jerry Yap.
Natutuwa raw si Ate Vi na siya ang naimbitahan ng PMPC na maging inducting officer nito. Talagang isiningit daw niya ito sa kanyang busy schedule.
"I'm happy kasi marami na rin akong henerasyon ng PMPC na naabutan," ani Vilma nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Imagine, 27 years na ang PMPC.
"Kahit na hindi ako gano'n ka-active sa movie industry dahil sa isa ko pang trabaho bilang isang public servant, nandito pa rin kami.
"At gusto pa rin namin 'yong mga ganitong get-together.
"And in my own little way, kung meron akong maisusuporta para mas mapalawak at matulungan ang anumang responsibilidad o adhikain na meron sila, nandito lang ako."
Basta para sa entertainment press, lagi nga raw siyang may panahon. Kaya naman maituturing din siyang "Darling of The Press For All Seasons."
"Because this is also my life," sambit naman ng actress-politician.
"Again, lagi akong may time sa kanila dahil uulitin ko, malaking parte kung saan ako nando'n ngayon, utang na loob ko 'yan sa mga press people.
"Na sabi ko nga, ilang generation na 'yong nandito... Aminin nila, kasama ko na since bata pa ako.
"And now, may mga bagong miyembro.
"But, kung saan man ako nakatayo ngayon, malaking-malaking parte nito ay utang na loob ko sa press people."
LUIS & JENNYLYN. Sa bibihirang pagkakataong nakakaharap ng media si Vilma, lagi ay natatanong siya tungkol sa relasyon ng anak niyang si Luis Manzano sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
29 bhebsemobratinela
28 ilyang
27 ilyang
26 imayberight
25 nosebleeders
24 chantyllan
23 sandrab
22 sandrab
21 sandrab
20 sandrab
19 pexaddict
18 jemburee
17 BERNARD2010
16 Angelle705
15 popstar
14 JokoNazMan
13 JokoNazMan
12 SimonLaplace1
11 champion_0105
10 worldpeace07
more comments