[x]

 

"Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo 'yong friendship with some guys. Pero 'yong relationships, parang hindi po muna," says Sarah Geronimo about getting into a relationship.

Photo: Noel Orsal

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa magiging bago niyang weekly show sa ABS-CBN, ang Sarah G. Live!.

Unang pagkakataon para sa 23-year-old celebrity na magkaroon ng sarili niyang programa. 

Kaya naman nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong nakaraang Huwebes, January 19, sinabi niya na isa itong malaking responsibilidad.

Bukod pa rito, nakakakaba rin daw ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa kanya at sa programa.

"Siyempre, kinakabahan po.

"Siyempre, hindi naman po ito ASAP na marami kaming artists na magdadala.

"'Yong pangalan ko po mismo ang naka-front, Sarah G. Live!," sabi ni Sarah sa muli niyang pagharap sa press.

Ito ay naganap sa launch ng bago niyang Jollibee endorsement kanina, January 25, sa Greenmeadows, Libis, Quezon City.

Bagamat kinakabahan, tiniyak ni Sarah na, "I'll do my best po talaga.

"Talagang gagawin po namin ang lahat para mabigyan ng magandang entertainment ang televiewers natin."

Nakatakdang magsimula ang Sarah G. Live! sa February 19.

PREPARATIONS. Hindi lamang daw puro performances niya ang mapapanood ng publiko sa kanyang show.

Magkakaroon din siya ng interviews sa mga sorpresang panauhin linggu-linggo.

Paano niya ito pinaghahandaan?

"Hindi ko nga po alam kung paano!" natatawang sagot ni Sarah.