"Like dito sa Maynila, si Teejay Marquez ng Tweenhearts ang kapareha ko."
SUITORS FROM ALL NETWORKS? Kumusta ba ang lovelife niya?
"Single pa rin, pero masaya. May mga nagpaparamdam, pero hindi ko muna sasabihin kung sino. Secret muna."
Taga-TV5 ba ang nagpaparamdam?
"Oo, may taga TV5, mero'n din sa GMA-7 at ABS-CBN, pero ayokong i-reveal kung sino sila. Sa akin na lang siguro muna yun."
Pero sino sa tingin niya ang may chance na sagutin niya? Kapamilya, Kapuso, o Kapatid?
"Sino ba? Sa ngayon wala pa talaga, kasi career talaga yung focus ko.
"Sayang naman kasi yung naumpisahan ko, kung sa lovelife lang ako magpo-focus.
"Ini-entertain ko sila, pero wala pa sa point yung na-develop ako sa isa man sa kanila.
"Siguro kasi alam ko kung anong priority ko ngayon. Pero darating din tayo diyan. Pero not now," natawa niyang pahayag.
Pero alin sa kanyang mga manliligaw ang pursigido?
"Nag-e effort? Oh, God kailangan ko pa ba sabihin?
"Dalawa sila na nag-e-effort. Yung sa TV5 at ABS-CBN.
"Pero, yung sa TV5 talaga yung nag-e-effort kasi, unang-una, pareho kami ng home studio, so lagi ko siyang nakikita, kumpara sa iba."
Naniniwala ba siya na kapag happy ang lovelife, matamlay ang career?




0

