Ryan Eigenmann (above) talks about being a father to Catalina, his daughter with IBC 13 newscaster Cathy Bordalba.

"Uuwi ka from a hard day's work pagod na pagod. Kahit ang init ng ulo mo, makikita mo siya [Catalina] natutulog na may konting smile, it melts your heart," he says.

 

 

Photo: Noel Orsal

Isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Michael de Mesa ang offer na i-remake ang Valiente sa TV5 ay para umuwi ito ng Pilipinas at makita si Catalina, ang apo niya sa anak na si Ryan Eigenmann at IBC 13 newscaster na si Cathy Bordalba.

Sa presscon kagabi ng Biritera, January 27, sa Studio 7 ng GMA TV Complex, binanggit namin ito kay Ryan.

"Actually nung ipinanganak siya [Catalina], it was all online di ba?" ang sabi ni Ryan.

"Skype, ganito-ganyan, and then when I found out that he was coming... actually, walang nagsasabi sa amin.

"I think he [Michael] wanted it to be a surprise, pero I don't think you can keep a secret like that for long, e.

"So siyempre may mga naririnig-rinig na ako na uuwi daw [si Michael] para sa Valiente, so I'm like, 'Really?'

"Kaya nung nag-Skype kami ulit, ang unang tanong ko ay, 'O, kailan ka dadating dito?' Sabi niya, 'Paano mo nalaman?'

"It's a small world, di ba," ang kwento ni Ryan.

Mapapanood sa Biritera airing this coming February 6 sa GMA Telebabad sina Dennis Trillo bilang Andrei, Glaiza de Castro bilang Mikaela, Angelika dela Cruz bilang Remy, Ryan Eigenmann bilang Mr. D, Rich Asuncion bilang Jo, Yul Servo as Jerome, Gwen Zamora bilang Iris, Ces Quesada bilang Simang, Neil Sese bilang Eric at ipinakikila ang bagong child sensation na si Roseanna Magan bilang si Roseanne.

Kasama sa serye ang mga child stars na sina Sweet Ramos bilang Barbie, Barbara Miguel bilang Darling, Nomer Limatog bilang Miguelito at Jamaika Olivarez bilang Kleng-Kleng.

Kasama rin sina Kiel Rodriguez bilang Miko, Orlando Sol bilang Egay, Patricia Ysmael as Beverly, Myra Carel as Bevs, Scarlet bilang Mrs. Tamondong, at ang tambalan nina Kim Komatsu as Gwen at Hiro Magalona as Teofi.

May special guest role din si Claudine Barretto bilang si Carmela.

Ang Biritera ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

THE LOLO CRIED. Going back to Ryan's dad, umiyak daw si Michael ng 30 minutes nang makita for the first time si Catalina na one year and six months old na ngayon.

Dapat daw ay sa bahay ni Cherie Gil [kapatid ni Michael] tutuloy si Michael habang nasa Pilipinas...