Kylie Padilla gets surprise birthday party from dad Robin Padilla

Rommel Gonzales
Sunday, January 29, 2012 @ 02:26PM  |  313 views

Dalawang special gifts daw ang natanggap ni Kylie Padilla noong kanyang kaarawan. Isa na kaya rito ay ang regalo sa kanya ni Aljur?

"Hindi ko na sasabihin kung kanino [galing], basta yung isa relo. Basta, secret,"  ang sabi ni Kylie. Sinabi naman ni Aljur na naibigay na niya ang regalo niya sa dalaga pero tumanggi itong sabihin kung ano yun.

 

Photo By: File Photo













Kylie Padilla turned nineteen last Wednesday, January 25.

Pero Sabado pa lang, isang surprise birthday party ang inihanda ni Robin Padilla para sa kanyang anak na dalaga.

"Sinabay sa despedida ng mga kapatid ko since they're going back to Australia soon, and yun sinabay na lang para bonggang-bongga yung party.

"Wala po si mama, si Tita Mariel [Rodriguez], nandun siya," kuwento ni Kylie sa taped interview sa kanya na ipinalabas sa Startalk TX, January 28.

Dumating sa party ang leading man ni Kylie sa bago niyang series sa GMA-7 na The Good Daughter na si Rocco Nacino.

"Siyempre bilang suporta rin sa kanya, siyempre we wanna show our support sa co-star namin, sa leading lady namin.

"Pinakilala po nila si Tito Binoe [Robin] sa akin, naging maganda ang usapan namin.

"Tsaka kasi parehas po kami ng trainer sa pagbuhat [gym], so iyon nga, at least meron akong icebreaker agad at naging maganda yung usapan namin," pahayag ni Rocco.

Marami naman ang naiintriga sa hindi pagdalo ng rumored boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica.

Pero ayon sa pahayag naman ni Aljur...

"Galing ako sa Iloilo, late na ako nakauwi. At hindi ko pa napag-aaralan yung ibang mga ano sa Party P [Pilipinas] so nagpaalam ako kay Kylie na hindi ako makakarating."

Dalawang special gifts daw ang natanggap ni Kylie noong kanyang kaarawan.

Isa na kaya rito ay ang regalo sa kanya ni Aljur?

"Hindi ko na sasabihin kung kanino [galing], basta yung isa relo. Basta, secret,"  ang sabi ni Kylie.

Sinabi naman ni Aljur na naibigay na niya ang regalo niya kay Kylie pero tumanggi itong sabihin kung ano yun.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name