Actress Anne Curtis filled the Araneta Coliseum with tens of thousands of fans for her major solo concert, Annebisyosa: No Other Concert, last Saturday night, January 28.

Photo: Melo Balingit

Pero biro ng voiceover announcer, doon na raw nagtatapos ang concert ni Anne, at pagkatapos nito ay namatay lahat ng ilaw.

Tili ni Anne, "Ano ba kayo, ang tagal-tagal kong hinintay 'to, 'no. Ibalik n'yo ang mga ilaw!"

Pagkabalik ng ilaw, sinabi ng aktres na, "Walang puwedeng magsabotahe ng evening na 'to para sa akin."

Tila hindi makapaniwala si Anne nang makita niya ang dami ng tao na nasa loob ng Araneta para panoorin ang concert niya.

Kaya sambit niya, habang kinikilig, "Oh, my goodness!

"Hindi ko alam ang sasabihin ko, but dreams really do come true.

"This is my first major solo concert, sabe, dito sa Araneta and I'm so happy to share all of these with you."

Babala pa niya, "Sana nagdala kayo ng earplugs ninyo kasi I promise you it's gonna be a night of biritan. It's gonna be a night of fun.

"Pag nagkamali man ako o mawala man ako sa tono, sabayan n'yo na lang ako, ha.

"Thank you so much, guys.

"This is for you, para sa lahat ng mga non-singers diyan, this is for you."

Sinundan ito ni Anne ng magarbo niyang production number na "Run The World (Girls)" ni Beyonce.

JASMINE CURTIS SMITH. Ang unang guest ni Anne ay ang kanyang "baby little sister" na si Jasmine Curtis Smith.

Sa isang Rio carnival-inspired number ay kinanta ng magkapatid ang ilan sa mga awitin ni Katy Perry, na incidentally ay nag-concert sa Manila kamakailan lang.

Ilan sa mga kinanta nina Anne at Jasmine ay "Friday Night," "Teenage Dream," at "Firework."