Actress Anne Curtis filled the Araneta Coliseum with tens of thousands of fans for her major solo concert, Annebisyosa: No Other Concert, last Saturday night, January 28.

Photo: Melo Balingit

Pagkatapos ng number ng magkapatid ay naiyak si Jasmine, at nang tanungin ni Anne kung bakit, sinabi ng TV5 star na, "I'm just proud of you, Ate."

LUIS MANZANO & VHONG NAVARRO. Habang nasa stage ang magkapatid ay lumabas naman ang mga "taga-lait" ni Anne na sina Luis Manzano at Vhong Navarro.

Si Luis ay malapit na kaibigan ni Anne, samantalang si Vhong naman ay co-host ng aktres sa Showtime.

Napuno ng tawanan ang loob ng Big Dome nang "lait-laitin" ng dalawang Kapamilya male stars si Anne.

Pinuri nina Luis at Vhong ang lahat ng may kinalaman sa concert—ang banda, ang G-Force, ang director na si Rico Gutierrez—maliban kay Anne.

Sabi pa ng dalawa, mula sa Araneta ay masusundan pa ang concert ni Anne. Pero paliit na raw nang paliit ang magiging venue nito: "sa Music Museum, sa Zirkoh, at sa Adoration Chapel."

Hirit pa ni Luis, ito lang daw ang concert na mas pagod ang back-up singers kesa sa mismong nagku-concert.

Nagbigay rin ng kanilang mensahe, sa pamamagitan ng VTR, ang mga kasamahan nina Luis at Vhong sa Kanto Boys na sina Billy Crawford at John Lloyd Cruz.

Simpleng hirit ni John Lloyd, nagbunga ang "lakas ng loob" ni Anne at natupad ang pangarap nitong mag-concert sa Araneta.

Sinundan ito ng OPM medley ni Anne kasama nina Luis at Vhong. Kahit nawawala sa tiyempo ang tatlo ay idinaan na lang nila ito sa pagpapakuwela.

Ilan sa mga kinanta nila ay ang mga sumusunod: "Tukso," Minsan Lang Kita Iibigin," "Halik," "Macho Gwapito," "Paano Kaya," at "Kung Liligaya Ka Sa Piling ng Iba."

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng kuwelang sexy dance number sina Luis at Vhong sa saliw ng awiting "I'm Sexy And I Know It."

Habang hinihintay na magbihis si Anne sa kanyang susunod na production number, tinawag nina Luis at Vhong ang ilang celebrities na nasa audience para gayahin ang kanilang dance steps.

Ang mga pinaakyat nila ay sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Georgina Wilson, Karylle, Ryan Bang, at Jhong Hilario.

VICE GANDA. Pagkatapos nito ay bumaba si Anne lulan ng malaking kama mula sa itaas para sa kanyang signature song na "Alone."