Actress Anne Curtis filled the Araneta Coliseum with tens of thousands of fans for her major solo concert, Annebisyosa: No Other Concert, last Saturday night, January 28.

Photo: Melo Balingit

Pagkatapos nito ay iniwan na ni Anne si Sam sa stage para sa solo number ng actor-singer. Kinanta ni Sam ang kanyang hit single na "Hindi Kita Iiwan."

DEREK RAMSAY & CRISTINE REYES. Nag-init na naman ang stage sa sexy dance number ng co-stars ni Anne sa blockbuster movie na No Other Woman na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Lalo pang naging mas mainit sa loob ng Araneta nang bumaba si Anne na naka-swimsuit lamang. Kapareho nito ang swimsuit na ginamit ng aktres sa isang eksena ng No Other Woman.

 

Sumunod dito ang neon-inspired solo number ni Anne na "Super Bass" ni Nicki Minaj.

SARAH GERONIMO. Ang huling guest ni Anne noong gabing 'yon ay ang kasamahan niya sa ASAP at sa Viva na si Sarah Geronimo.

Nakipagsabayan si Anne kay Sarah, na kilalang biritera, sa pagbirit ng "I Don't Wanna Miss A Thing" ng Aerosmith.

Ipinaubaya ng Pop Princess sa aktres ang huli at pinakamataas na nota ng kanta, na talagang pilit na inabot ni Anne.

Sumunod naman dito ang song-and-dance number ni Sarah kunsaan inawit niya ang "Never Let Me Go"-"Let's Dance" mash-up.

CONCERT SWEETHEART. Hindi talaga nagpaawat si Anne sa kanyang concert dahil ang sumunod naman niyang kinanta ay ang sikat na sikat na "Someone Like You" ni Adele.

At tinapos ni Anne ang kanyang concert sa pamamagitan ng "Born This Way" ni Lady Gaga.

Sa kanyang pasasalamat sa huli, sinabi ni Anne: "Napaka-surreal nito para sa akin. Nandito ako sa Araneta, nag-concert ang isang hindi marunong kumanta."

Noon nga raw ay sinabihan siya ni Boss Vic del Rosario na magiging "star siya."

Pero ngayon daw, ayon kay Anne, "I'm not only an actress, I'm a singer. Not only a singer, I'm a concert sweetheart."

Dagdag pa niya, "Remember to dream big because dreams really do come true."

CELEBRITY GUESTS. Bukod sa mga tinawag nina Luis at Vhong sa stage, ang iba pang celebrities na nanood ng concert ni Anne ay sina KC Concepcion, Jessy Mendiola, Jed Madela, Megan Young, Danica Sotto, at Chesca Garcia.

Namataan din ng PEP sina talent manager Annabelle Rama, dancer Gab Valenciano, hosts Tim Yap, Joanne Quintas, at Divine Lee, actor Victor Basa, directors Mac Alejandre at Ruel Bayani, designer Rajo Laurel, at photographer Raymund Isaac.