news

It's Showtime replaces defunct Happy Yipee Yehey! in noontime slot of ABS-CBN

by Nerisa Almo posted on January 30, 2012  STATS: 2151 Views | 168 Comments

Showtime hosts (L-R) Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Kim Atienza, Anne Curtis, Vhong Navarro, and Vice Ganda will be back on ABS-CBN at a later timeslot starting Monday, February 6.

They'll be hosting the network's newest nootime show It's Showtime with fellow hosts (not in photo) Karylle, Billy Crawford and former Showtime hurados Jhong Hilario, Ryan Bang, and Coleen Garcia.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN


Tama ang naging pahayag ng Happy Yipee Yehey! host na si Randy Santiago na isang linggo lamang hindi makikitang magkakasama sa telebisyon ang mga host ng Showtime.

(CLICK HERE to read related article.) 

Sa press statement na pinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, January 30, kinumpirma nila ang pagbabalik ng Showtime sa ere.

Sa susunod na Lunes, February 6, muling masisilayan ng "madlang people" sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, at Juggy Jugueta.

Sila ang bubuo ng bagong noontime program ng ABS-CBN na It's Showtime.

Ito na ang programang papalit sa Happy Yipee Yehey!, na matatapos na sa Sabado, February 4.

Makakasama rin nila sa bagong palabas ang mga naging "hurado" sa dating talent-search show na Showtime—sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia.

Matatandaan na noong Sabado, January 28, marami ang nagulat sa naging episode ng Showtime, na tila nagpapaalam na sa kanilang mga masugid na tagapanood.

Pero hanggang sa huli ay walang pagpapaalam na nabanggit ang sinuman sa hosts ng programa.

Kaya naman marami ang nag-isip na marahil ay magre-reformat lamang ang programa para gawing pamalit sa matatapos nang Happy Yipee Yehey!.

Ito ang kabuuang press release mula sa ABS-CBN Corporate Communication:

"Pagkatapos ng dalawang taong pagiging isang paboritong kapamilya sa umaga, ang It's Showtime ay ang pinakabagong programa sa tanghali sa ABS-CBN Channel 2 simula sa Lunes, February 6, 2012.

"Ang It's Showtime ay  pangugunahan nila Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, 'Kuya' Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Vice Ganda. Ang kanilang malalim na pagkakaibigan at pinagsanib na talento at sense of humor ay nakapagbigay ng walang tigil na saya sa mga kapamilya. Sasali bilang mga bagong miyembro ng show sina dance master Jhong Hilario, at ang mga paboritong ex-hurados na sina Ryan Bang at Coleen Garcia.

"Sama-sama, maghahatid sila ng bago at mas kapanapanabik na palabas na puno ng sorpresa at  iba't ibang segments na tiyak na kagigiliwan ng mga manunood.

"Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa 'madlang people,' dito sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang suporta sa Showtime at sa mga hosts nito sa dalawang taong pagbibigay ng saya at pag-asa sa umaga. Iniimbita ng kapamilya network ang mga manunood na ipagpatuloy nila ang walang sawang pagtangkilik sa Showtime paglipat nito sa tanghali, Lunes hanggang Sabado simula sa February 6."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

168 Comments

  • 168  pepe2

    02/10/2012 | 10:47 AM
    babalik ang eat bulaga sa ABS-CBN. Pakawalan na sila ng GMA7 dahil mga lolo ng yun original hosts.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  young28

    02/02/2012 | 10:12 PM
    cg nga...diba mga sikat at blockboster actor and actress daw like vice and anne?tingnan nga natin kung makakahabol sa EB...sikat daw cla diba?hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 166  antimage

    01/31/2012 | 09:13 PM
    Grabeh cguro tawa ni willibog kina randy at john. Karma is a beotch ika nga. Well, good luck "It's SHowtime"...nagdagdag pa ng "It's" para lang "eat" bulaga. haha. Ang abs tlga masyadong desperado na mag number 1 sa noontime... cguro mag no.1 lang kayo kung wala na cla Tito, vic, at joey
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 165  antimage

    01/31/2012 | 08:42 PM
    haha dame ng nagawang noontime shows ang abs...lahat tsugi. lolz. Hnde umubra powers ni Kris at robin sa Pilipinas Lose na lose at ung kay Toni din sa Yucky Ewweee Yehey. LOl. Good luck Abs, halatang desperado kayo mag no. 1 sa noontime.Honestly, I like Abs teleseryes pero sa umaga wla tlga kayo sa GMA. Natalo65279; pa ung showtime kay Chef what's-his-name Logro. Haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 164  ebang

    01/31/2012 | 06:30 PM
    ganito lng yan, eh - may sasayaw, mgpapacute si anne, eepal si vhong, mgmamarunong si kim atienza tapos, manlalait at mgjo-joke ng pilit si vice. pa-ulit2! pa-ulit2! pa-ulit2! ..it's ..showtime!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 163  steelwings

    01/31/2012 | 06:21 PM
    asuuuuuuuuuus na huhurt ang mga VEKING FANS ng JOKLATIME! hahahahhah! kayo na! kayo na ang nahurt! hahahhahah! Magsasanib pwersa ang mga silahis at veki against eat bulaga! Go mga GURLALOO fans ng ABSCBN! EEEEEEEWW!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  kapusodbest

    01/31/2012 | 05:56 PM
    IT'S SHOWTIME SA EAT BULAGA PAK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  kantaratarat

    01/31/2012 | 05:49 PM
    its actually doa, dead on arrival hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  abscbnkapamilya

    01/31/2012 | 05:48 PM
    kung makapagsalita ang mga taga kamuning parang perfect.. Stampede issue, blah3. Yun at yun lang ba ang pwede nyong ibato? How about gme? yung abortion at scandal ng mga artesta nyo. At sabihan nyo na rin si gozon na wag masyado mag press release ha? kasi NAPAPAHIYA kayo. AHAHAHAHA.. GME, the HOME of PRESS RELEASES.. AHAHAHAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  real_scores

    01/31/2012 | 03:04 PM
    They have DONE this before. Tenesting nila to face Bulaga HEAD ON pero di lang BUKOL ang NAKAMIT nila kundi NAWALAN talaga ng Malay LEADING to COMATOSE. So they will do it AGAIN???? My DEEEEPEST CONDOLENCE !!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  terebi_16

    01/31/2012 | 02:35 PM
    i think respeto lang, showbiz is like any other business is a free environment for a healthy competition. Kung di nyo gusto, eh di fine! wag nang bumunganga. Gawin nalang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  Pedrohh

    01/31/2012 | 02:08 PM
    155 parta kang ingot may BEKI BEKI kapa jan lahat naman tayo dito BEKI kung hindi ka babae bwahahaha bakit ipamukha mo na bakla lahat taga ABS eh ano ngayon big deal ba? bwahahahah pangit ka lgn kasi na beki kaya insecure ka bwahahahaha walang masama sa pgiging beki as long as wala kang natapakan na kapwa mo wag mong ipakita MAKITID UTAK mo nakaklorkey ka...... wa effect yan as in deadma beki tayo lahat dito kasi ikaw pangit ka lng na beki yan ang pagkakaiba bwahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  datuputi

    01/31/2012 | 01:12 PM
    goodluck! wag na kc piliting tapatan, ganda na ng mga career nyo, pababagsakin nyo pa.. hayyyz..EB natural na natural walang halong gimik, drama, at di oa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  steelwings

    01/31/2012 | 12:28 PM
    tama ka jan ellenmar! PAK na PAK! kokontra nanaman mga veking ABSCBN fans dito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  ellenmar_123

    01/31/2012 | 12:01 PM
    kay Jose lang at kay Wally taob na ang show na to. What happen to Toni Gonzaga nawala na ata ang kanyang ningning buti pa ang Eat Bulaga andyan pa din. Ganun din ang mangyayari kay Iza sa umpisa lang bibigyan ng project pero wala kasi siyang appeal sa masa kaya magiging frozen delight pa rin siya katulad ni Angel. Aanhin mo ang galing mo sa pag arte kung wala namang manunuod. Look at Paulo diba dami niyang projects dito sa GMA pero hayun di man lang sumikat sa kabila maski si Jewel or even Angel nawala na ang kinang nila sa telebisyon hindi nag rate ang mga shows.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  steelwings

    01/31/2012 | 11:55 AM
    CONDOLENCE SHOWTIME!!! Hahahhahahah! Sa umpisa lang yan, tgnan nyo, semplang ulit mga yan! Parang hinatulan ng bitay ang mga hosts ng Showtime! Eat Bulaga is Eat Bulaga! Pwedeng panoorin ang showtime in a few weeks, pero people will still go back to EB! Ganon ang nangyari sa wowowee! Umariba sa umpisa dahil sa publicity, pero people get back to eb at the end! Ma iistress nanaman ang mga vekii fans ng ABSCBN! hahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  luvpinas4ever

    01/31/2012 | 11:47 AM
    continuation-ang hindi lumingon sa pinanggalingan di makakarating sa paroroonan. i'm not saying na Utang na Loob sa GMA ang ginawa nila because we know also that you work hard for it but please be decent,give respect and be professional sa mga sagot nyo.buti na lang di ko talaga pinapanood ang The Buzz.what is Iza saying na pinapanood na nya ang The buzz with her mom since she was young eh bakit sa GMA ka nagtrabaho.ginamit mo pa ang nanay mo.i hate these kind of people.ganon ba talaga para mabigyan ka ng project kailangan mong sumipsip ng todo todo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  ellenmar_123

    01/31/2012 | 11:46 AM
    Alam mo kaya wala ng nanood ng noontime show ng ABS dahil hinding hindi makakalimutan ng madlang people and daming namatay dahil sa stampede noon ng Wowowee kahit anong show pa ang ilagay dito mamatay din sa ere. Kung anong itinanim ganun din ang aanihin. Buti pa siguro news program ang itapat nila sa eat bulaga. Saka napakayabang ni Vice magaling manlait ng kapwa kaya pansamantala lang ang kanyang kasikatan sana gumaya siya kay Boy Abunda or Allan K na walang kayabangan sa katawan. Lalong malulugi nito ang ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  luvpinas4ever

    01/31/2012 | 11:40 AM
    we kapuso knows for a FACT that EB is not a GMA program and only air in GMA network but then they carry the GMA network's name.that's why i don't understand why ATP is so unfair in treating GMA during the promotion of MMFF movies.well it's a thing of the past anyway.sa mga kapamilya aminin nyo na na takam na takam na talaga kayong makuha ang EB kung hindi ba naman nag co produce kayo sa ATP, MZET, kinuha nyo si Joey movie with Sarah and Jimmy movie with Vice -sori di ko masikmura na idugtong ang G--a.very obvious na binibigyan nyo ng projects ang mga senior EB hosts para mas madali ang impluwenya nyo sa kanila na mapapayag si Antonio T to move to ABS.DIRTY tricks and tactics from a DIRTY station and management.when former ABS talents moved to GMA walang mga salitang narinig sa kanila like "I want to grow" I want to shine, I want to explore my career at kung anu ano pang ka cheapan na akala mo eh hindi mga NAKINABANG sa GMA. maisip sana ni Iza na ang ipinambili nya ng bahay eh when she was with GMA .ang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  peparriane

    01/31/2012 | 11:30 AM
    eat bulaga "eats" showtime!!! hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About