"Ngayon kasi, it's more personal.
"And I hope that our audience will appreciate it kasi, yun na nga, mas makikita nila yung other side of Ogie and myself."
Less daring na ba siya sa concert na ito? Gaya sa mga gown na isusuot niya na dati ay may plunging neckline o backless?
"Pag pumayat na ako siguro. Pero parang hindi na rin bagay kasi hindi na rin ako ganung kabata, I mean..."
THE VOICE. May napansin ba siyang pagbabago sa boses niya matapos niyang manganak?
"You know, it's a good thing doing yoga before and after giving birth kasi hindi ako nanibago.
"Kasi ang kanta naman, ang pagkanta, nasa breathing, e. Iyon yung importante.
"Kasi yung pagbuga mo ng boses, iyon yung importante, e.
"So, I'm really okay naman.
"Yung tone ko, medyo parang mas manipis than before."
Mas tumaas?
"Hindi ko sure, pero parang hindi ako masyadong nahihirapang mag-hit ng high notes.
"Parang okay siya, kasi nga yung breathing ko normal, e. So, thank God for yoga.
"Hindi naman siguro mas tumaas yung boses ko, pero yung regular pa rin," saad ni Regine.
Napag-usapan din namin ang tungkol sa sakit ni Regine noon pa na migraine.




0

