Mukhang nalilinya si LJ Reyes sa mga papel na kontrabida. Naging epektibo rin kasi siyang kontrabida sa huling primetime series niyang Time of My Life na pinagbidahan ni Kris Bernal.
Ngayon, si Kylie Padilla naman ang kanyang aawayin sa The Good Daughter.
Kung nagkakasunud-sunod man ang mga kontrabida roles niya ngayon, hindi raw yun dahilan para mabahala ang aktres dahil baka tuluyan na siyang kamuhian ng mga manonood.
Ang katuwiran nga ni LJ, nang makausap namin sa press conference ng The Good Daughter noong February 7, "Naniniwala po ako na ang audience natin ngayon ay mature na.
"Kasi naririnig ko dati kapag kontrabida ka, binabato ka ng itlog, kamatis.
"Ngayon naman po, wala namang ganoon.
"Lalo na ngayon, ang bilis-bilis nating nakukuha ang feedback ng mga audience.
"May Twitter, may Facebook, kung anu-ano.
"So, nalalaman mo na ang mature na talaga ng audience ngayon.
"Kapag nagsabi sila na naiinis ako, halimbawa rito kay Frances [character na ginagampanan niya sa The Good Daughter], nagagalit sila sa character, pero hindi kay LJ.
"Ganoon silang mag-comment."
Gaano siya kasama ngayon sa The Good Daughter kumpara sa karakter niya sa Time of My Life?
"Alam n'yo rito, kasi tinatanong ko na nga si Direk, 'Hanggang saan ba? Hanggang saan ba ang sama ng ugali ko?'
"Niloloko ko siya. Pero sabi niya, sasama raw talaga ko.
"First two weeks kasi ipapakita nila na very loving ako sa family ko, pero protective ako sa kanila.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 randylove
7 newyorker1969
6 thelostreasure
5 gopinoy
4 kadabarkads
3 maxxine
2 tsismosaako
1 endot