For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.

Photo: Noel Orsal

Nae-excite pa rin ba siya kapag may mga special occasion tulad nga ng Valentine's Day?

"Oo naman, oo naman. Iba kasi itong si Dong pagdating sa mga surpresa."

May nakahandang gift na raw si Dingdong sa kanya; siya ba meron na ring regalo?

"Aba, yun nga, nagulat ako, sinabi nila, 'Ano ang gift mo kay Dingdong? Siya, meron na.'

"Aba, sa pagkakataong ito, naunahan ako. So, hindi ko alam. 

"May bibilhin din ako—card! May nakita ako. 

"Mahilig din ako sa mga idinidikit sa ref. Kapag may nakita ako like, 'If I'll be given a chance, I'll choose you. If I'm a butterfly, I'll fly with you!'" natatawa niyang sabi.

"Kaartehan! Sorry ha, may pagka-ano ako sa ganyan."

Tuloy, naisipan naming hingan ng pick-up line si Marian patungkol kay Dingdong.

Game at mabilis naman itong nakaisip agad.

Sabi ni Marian, "Anghel ka ba?"

Bakit?

"Pakiramdam ko kapag nandiyan ka sa likod ko, parang safe ako palagi."

Tawanan tuloy lahat ng entertainment press na nag-i-interview sa kanya.

ON WORKING WITH ERVIC. Naitanong din kay Marian kung open ba siya na makatrabaho si Dingdong at ang ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre lalo't isang Kapuso ang huli.