Part 2 Zoren Legaspi on closet queens: "Mahina ako sa mga nagtatagong ganyan, e. Talagang hindi ko mabasa. Ang kaya kong basahin ay iyong ladlad na."

Nonie V. Nicasio
Wednesday, February 22, 2012 @ 12:34PM  |  15886 views

 

"Talagang hindi ko mabasa. Ang kaya kong basahin ay iyong ladlad na. Pero iyong sinasabi nilang mga pang-amoy, iyong sinasabi nilang malansa, iyong paminta [pa-mhin]... iyong mga ganoon, mahina ako diyan. Hindi ko kayang basahin ang mga ganyan," says Zoren Legaspi when asked if as a TV talk show host he knows who the closet queens in showbiz are.

Photo By: Nimfa Chua













Nagkantiyawan sa ere ang dalawa sa hosts ng Paparazzi na sina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez noong Sabado, February 18.

Tinanong kasi ni Zoren kung okay lang kay Ruffa na interbyuhin niya si Nadia Montenegro, na kaaway at kademandahan ng nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Dahil dito ay kinapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren.

Tinanong namin siya, bilang isang talk show host, sino ang pangarap niyang ma-interview sa Paparazzi, ang showbiz talk show ng TV5?

Sagot niya, "Ang gusto ko talagang ma-interview 'yong may mga issues talaga. Because I'd like to clear things out.

"You know, ayaw ko namang may gulo. I like patching things up.

"Kung may away, gusto ko ay laging malinaw ang story.

"Kasi, para hindi lumabas na magulo ang showbiz industry.

"Kasi minsan, miscommunication lang talaga ang problema.

"Minsan ay hindi nakakapag-usap iyong dalawang tao.

"Nagre-rely doon sa mga isinusulat kaya lumalaki ang mga issue kung minsan," paliwanag pa niya.

MO TWISTER. Isiniwalat din ni Zoren na karamihan ng mga source o baon niyang mga intriga sa Paparazzi ay galing kay Mo Twister.

"Dati si Mo talaga ang nagpi-feed sa akin. Dahil alam mo naman si Mo, maraming sources 'yan, e.

"Ngayon, kung ano lang din ang mabasa ko, mabalitaan ko, kung ano lang 'yong dumating sa aking balita, 'yon.

"Pero I don't really exert effort na para makaalam ng mga latest showbiz news, hindi ko naman ginagawa 'yon.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name