MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares "against" resolution stopping filmmakers from portraying congressmen as villains

Ruben Marasigan
Wednesday, February 22, 2012 @ 12:58PM  |  3047 views

 

MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares on Congressman Dong Gonzales's call to stop "villain" typecast in movies: "Ako naman ay kompiyansa na marami naman sa ating mga kongresista na makikita namang nilang... na sana huwag naman nilang suportahan ang resolusyon na ito. Uhm, ewan ko lang, ha. Eto, personal ko, e... taga-Pampanga 'yon [Congressman Gonzales]. Baka naman may pinuprotektahang ibang congresswoman 'yon? Na... maraming kaso, di ba? Na dating naupong Pangulo."

Photo By: Noel Orsal













Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa panukalang ipagbawal na ang paggamit ng karakter ng mga congressmen bilang kontrabida o masamang tauhan sa pelikula. 

May pumapabor at meron ding tumututol dito.

Nang mapasayal ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tanggapan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa usaping ito. 

Aniya, "Personally, my personal opinion, I'm against it.

"Kasi I feel that it violates our freedom to express ourselves. 

"Lalong-lalo na 'yong mga director, 'yong mga producer... ganyan.

"At saka sa constitution kasi natin, wala namang nakasulat do'n na... lalung-lalo na kung totoo. 

"Hindi mo naman puwedeng pigilin 'yong statements o ang pagpapalabas ng sumasalamin sa tunay na buhay, di ba?

"Ano, lahat na lang bida? Hindi naman puwede 'yon. 

"So, 'yon lang ang akin."

Isa sa nagsusulong sa resolusyon na huwag gamiting karakter ang mga kongresista bilang kontrabida sa pelikula ay si Congressman Aurelio "Dong" Gonzales ng 3rd district ng Pampanga.   

Ano ang mensaheng puwedeng iparating ng MTRCB Chairman sa kongresista?

"Ganito na lang... ako naman ay kompiyansa na marami naman sa ating mga kongresista na makikita namang nilang... na sana huwag naman nilang suportahan ang resolusyon na ito.

"Uhm, ewan ko lang, ha. Eto, personal ko, e... taga-Pampanga 'yon [Congressman Gonzales]. 

"Baka naman may pinuprotektahang ibang congresswoman 'yon?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name