Sa mga kuwentong "ST" o sex trip movies noong dekada '90, pagbabalik-tanaw ni Gardo Versoza: "Kumbaga sa nagbinata, yun ang childhood days, e. Sa Seiko, maraming fond memories... yung mga love scenes ibig kong sabihin. At ang walang patumanggang pictorials na naka-trunks!"

 

 

Photo: William R. Reyes

Ang isang bagay na nagustuhan ni Gardo Versoza sa bago niyang tatampukang afternoon soap sa GMA-7, ang Hiram Na Puso, ay ang pagkakataong makatrabaho muli ang dalawang aktres na nakasama niya nang matagal-tagal sa epic-seryeng Amaya—sina Gina Alajar at Ayen Munji-Laurel.

Sabi ni Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Malaking bagay yung meron kayong rapport at saka chemistry. 

"Actually, mahalaga yung ganong aspeto para sa akin—be it sa movies or TV. Otherwise, hindi kayo in fine tune, di ba?"

Nakausap ng PEP si Gardo sa unang araw ng taping ng Hiram Na Puso noong Lunes, February 20, sa Northshore Place, Victoneta Ave., Malabon City.

Magkakasunod ang mga eksenang kinunan kina Gardo at Ayen ni Direk Andoy Ranay sa unang araw.

At tulad sa nagwakas nang Amaya, gumaganap uli bilang mag-asawa sa bagong serye sina Ayen at Gardo. 

Kasama rin sa cast ng Hiram Na Puso sina Kris Bernal, Mark Herras, Polo Ravales, Bdla Padilla, at Kristal Reyes.

Sa mga nabanggit na artistang katrabaho niya ngayon ay walang masasabing problema si Gardo.

"Otherwise, mabigat yung ganung sitwasyon sa pagtatrabaho n'yo.

"Like before sa Amaya, kahit kaeksena mo, kunwari kapwa-lalaki, kailangan pa rin in fine tune kayo para hindi saliwa," sabi niya.

Kaya naging malapit din ang 42-year old actor sa mga naging "kawal" niya sa Amaya, tulad nina AJ Dee at Rob Sy.

Sila ni Polo, na dati nang nakatrabaho ni Gardo sa Biglang Sibol, Bayang Impasibol ng TAPE, Inc., ay nagkaroon naman daw ng pleasant working relationship.

Although may pagkakataong na-link sila romantically sa iisang aktres sa magkaibang panahon, ani Gardo, "Yung mga gano'n, hindi ako apektado. Actually, wala namang naging bad blood sa amin, e.