Glydel Mercado says she's not having in-law problems: "Ay, walang problema. Mas kakuntsaba ko pa kaysa kay Tonton. Sobrang cool. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkakasundo. Kasi si Mamita [Liza Lorena], parang bata, e. Ang mga barkada niya, mga bata rin kaya nakakasabay siya. So, very cool."

 

Photo: Noel Orsal

Hindi maninibago si Glydel Mercado sa kanyang pagtuntong sa TV5 upang gawin ang afternoon soap na Isang Dakot na Luha dahil may mga ginawa na siyang proyekto sa Kapatid network.

Ang Isang Dakot Na Luha ang unang soap ni Glydel sa TYV5. Makakasama niya rito sina Danita Paner, Jay Manalo, at Alice Dixson.

Ang hindi lang masabi sa ngayon ni Glydel ay kung ano ang magiging status niya sa TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa taping ng Isang Dakot na Luha na ginawa sa Montefalco General Hospital sa Meycauyan, Bulacan.

Sabi ni Glydel, "Ewan ko pa kay Nanay Lolit [Solis, ang manager niya] kung ano ang arrangement niya with TV5.

"Pero as of now, eto lang pong soap na ito."

Ipalalabas ngayong February 27 ang Isang Dakot na Luha, samantalang umeere naman sa GMA-7 ang The Good Daugther, ang huling seryeng sinamahan ni Glydel bago siya lumipat ng TV5.

Napipinto ang pagtatapat ng dalawa niyang soap dahil sabay itong eere sa 3:30 p.m. timeslot.

"Opo, pero may flashback po ako doon," pagkumpirma niya sa patuloy na paglabas ng role niya bilang ina ni Kylie Padilla sa The Good Daughter.

Sabi pa ni Glydel, "Hindi po namin kasi alam kung ano yung timeslot nito [Isang Dakot Na Luha]. 

"Pero alam naman po nila na naggu-Good Daughter ako sa kabila. 

"Yun nga lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi may mga flashback scenes ako doon.  

"Monday-Wednesday-Friday ang taping ko dun, 'tapos dito naman, ganun din.

"So, hindi ko alam kung anong mangyayari."