Eric Quizon is equally in love with acting and directing. He says: "Gusto ko pareho, mahal ko siya pareho. Of course naging unang minahal ko yung pag-aartista, but itong pagdidirek it's something that I've always wanted to do. Siyempre ang maganda lang dito [directing], I'm in control, I'm a control- freak."

Eric directs Isang Dakot na Luha for TV5.

 

Photo: Paul Mata

Bago Ang Isang Dakot Na Luha ay Glamorosa ang directing job ni Eric Quizon sa TV5.

Ang big difference...

"Well the aim of this one is to go back to the traditional soap opera. Kasi iyon naman... yung mga primetime  soap operas parang ano lang sila mga pinalaking soap opera lang naman talaga, e.

"Well this one we're trying to pattern this on Days Of Our Lives, As The World Turns, mga ganun.

"So it's going to be ano, gusto naming i-revive yung Flordeluna, Annalisa, Mara Clara, yung ganung tipo.

"So basically, wala namang pagkakaiba yun. Of course when you do a series whether it's a soap or ano, walang masyadong pagkakaiba.

"Ang difference lang talaga is yung scope, yung timeslot, but it's pretty much the same thing.

"You cannot really think na malaki ang pagkakaiba or... it's the same thing, pare-pareho lang yan," umpisang sinabi ni Eric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya early this week sa taping ng Isang Dakot Na Luha sa Meycauayan, Bulacan.

Ang most recent acting job ni Direk Eric...

"I did a stint for Babaeng Hampaslupa tsaka sa Pidols Wonderland.

"I'm just so busy with so many things in my life right now so isinasa-isantabi ko muna yung acting although I'm doing Pusong Mamon part 2, I'm just preparing for that."

Ano ang mas gusto niya ngayon; acting or directing?

"I like both. Gusto ko pareho, mahal ko siya pareho.

"Of course naging unang minahal ko yung pag-aartista, but itong pagdidirek it's something that I've always wanted to do.