Dennis Trillo refuses to give meaning to his closeness to Bianca King. However, he admits, "Habang tumatagal, mas lumalalim ang samahan namin."

Photo: Noel Orsal

Ayon kay Dennis, "Kailangan lagi kang ginaganahan sa trabaho kaya napakaimportante ng isang inspirasyon sa isang buhay ng tao."

Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, inamin ni Dennis na itinuturing din niyang inspirasyon ang "pagkakaibigan" nila ni Bianca King.

Nagkasama ang dalawa sa mga teleseryeng Sinner Or Saint at Legacy.

Bagamat may mga bali-balitang may namumuong romantikong relasyon sa pagitan nila, sinabi ni Dennis sa PEP na hindi pa ito dapat bigyan ng ibang kulay.

Aniya, "Alam mo 'yon, sobrang close kami and at ease sa company ng isa't isa.

"Habang tumatagal, mas lumalalim ang samahan namin."

Aminado si Dennis na nami-miss na rin niya ang magkaroon ng romantic relationship.

"Siyempre, nami-miss din. Pero marami ka namang pagkakaabalahan 'tulad ng kaibigan ng pamilya.

"Maganda rin 'yong paminsan-minsan napapahinga ka.

"Pero importante rin siyempre na mayroon kang inspirasyon.

"Kung wala kang inspirasyon, hindi gagana ang utak mo, hindi gagana ang utak mo kapag malungkot siya."

Sa mga nakaraang panayam kay Bianca, inamin nito na masaya ang kanyang ina sa magandang samahan nila ngayon ni Dennis.

Ikinatuwa naman ito ng aktor. 

Sabi pa niya, "Sino ba naman ang hindi matutuwa na sabihan ka ng gano'n.

"Well, galing ako sa relasyon na nagkaproblema at 'yong sabihan ng ganun ng isang magulang ng isang kaibigan, medyo nakakataba ng puso.