Polo Ravales recalls his early showbiz days when he was starting with co-actor Dingdong Dantes: "Well actually, nagkaroon naman tayo... ng alam mo yun, naging hot stuff ako before. Yun nga lang, medyo mabilis lang nung time na yun. Hindi siya gaanong tumagal. Part of it maybe talagang kasalanan ko... maybe. Nagkaroon ako ng mga bad reputation, alam mo yun?"

Photo: Noel Orsal

Kasama si Polo Ravales sa cast ng bagong afternoon soap ng GMA-7 na Hiram Na Puso. Ngunit bago ito, halos apat na buwan siyang nabakante sa telebisyon pagkatapos ng huling proyekto niyang Sinner or Saint.

Pero ayon sa aktor, naging productive naman ang kanyang pahinga.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Meron kasi akong itinayong restaurant sa BF Parañaque—yung Mandarin Palace.

"Chinese restaurant siya, part-owner ako, lima kaming mga may-ari.

"Actually nag-soft opening pa lang, siguro nakaka-two months pa lang, so wala pang grand opening."

Nakapanayam ng PEP si Polo noong Martes, February 28, sa presscon ng Hiram Na Puso sa Studio 7 ng GMA Network.

Bakit restaurant ang naisipan niyang business?

"Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng restaurant and wala, feeling ko kasi, kailangan siya ng tao, necessity siya, so talagang kakain at kakain ang mga tao."

Mabuti at hindi siya nadala dahil nagtayo na sila dati ng bar ng ilang showbiz friends niya na nagsara naman agad.

Sa restaurant, ilang milyon ba ang naging investment niya?

"Wala, wala!" ang tumatawang sagot ni Polo.

"Medyo mahal yung restaurant... medyo mahal."

"Yung bar kasi, parang trial lang naman yun, e.

"'Tsaka ang nangyari sa bar na yun, parang naging tambayan siya— kami-kami lang din.