Wynwyn Marquez on choice of roles: "Ngayon po hindi ako nagde-demand talaga kasi I don't have any right. Wala pa naman ako sa status na parang mommy ko 'tsaka daddy ko, 'tsaka two years pa lang naman, e. Sino ba namang artista ang ayaw mabigyan ng lead role, di ba? Sino ang ayaw mabigyan ng opportunity? Pero kung ano po, siguro in time kung alam kong hasang-hasa na ako."

Photo: Noel Orsal

May nanliligaw ba sa kanyang artista?

"Wala po, pero 'pag kunyari may nararamdaman ako, yung parang ano na, close na kami, ako na ang nagsasabi na friends lang kami, ganun."

Kanino muntik na itong mangyari?

"Wala naman po, in general po," sabi niya.

Sino ang mga ka-close niyang male Kapuso stars?

"Sina Sef [Cadayona], Rocco [Nacino], Enzo [Pineda], si Mark Herras."

Si Sef lamang ang walang girlfriend sa mga ka-close niya.

"Pero close friend ko po silang lahat.

"Mga close friends ko and lahat naman po sila taken, kaya walang ano."

PERFECT LEADING MAN. At 5'7", matangkad si Wynwyn. Mahirap tuloy siyang hanapan ng perfect leading man na mas matangkad sa kanya.

"Medyo po, parang si Sarah [Lahbati]!" sabay tawa ni Wynwyn.

Sino ba sa tingin niya ang bagay sa kanyang leading man?

"Si Enzo [Pineda], si Derrick Monasterio kaya lang tween."

Kung siya ang papipiliin ng leading man niya sa first solo project niya, sino ang pipiliin ni Wynwyn?

"Gusto ko po talaga si Rocco kasi po kaibigan ko po siya," sagot ni Wynwyn.