The new cover of the March 2012 issue of FHM Philippines with Kapuso star Bela Padilla.

Photo: Courtesy of FHM

Nakalabas na ang bagong cover ng March 2012 issue ng FHM Philippines with Bela Padilla as the cover girl.

Naging kontrobersiyal ang original cover ng isyung ito ng FHM dahil diumano sa pagiging "racist" ng cover photo kunsaan napapaligiran si Bela ng black models.

Pumukaw rin ng atensiyon ang blurb sa original cover na "Bela Padilla: Stepping Out Of The Shadows."

(CLICK HERE to read related story.)

Naging mainit ang debate tungkol sa cover photo na ito ni Bela, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Sa katunayan, ininterbyu pa ng international news channels na BBC at CNN si Bela tungkol sa pictorial niyang ito sa FHM Philippines.

Maging ang broadsheets na The Telegraph sa London at New York Daily News sa Amerika ay nagkaroon din ng istorya tungkol dito.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa negative reaction na nakuha ng original cover ay nagdesisyon ang FHM na palitan ito.

Sa bagong cover ay solo na lang si Bela at iba na rin ang kanyang sexy bikini.

Pinalitan na rin ang blurb: Bela Padilla: "I Want To Emerge With My Own Name."

Simula ngayong araw na ito, March 1, ay idi-distribute na sa iba't ibang outlets ang March 2012 at 12th anniversary issue ng FHM Philippines.