Sa hanay ng mga kabataang artista ngayon, kanino nakikita ni Boots Anson-Roa ang kanyang sarili?

"Nakikita ko ang sarili ko siguro kay Iza Calzado kasi yung pakikisama at pakikitungo niya, parang pareho kami," Tita Boots says, adding, "Kay Shalani Soledad din."

 

Photo: William R. Reyes


Nag-e-enjoy ngayon sa paglabas sa mga teleserye ang batikang aktres na si Boots Anson Roa.

Sa panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)  noong Pebrero sa Quezon City, nagkuwento siya tungkol sa magagandang karanasan niya sa paggawa ng dramang pangtelebisyon.

"Masaya kahit napupuyat ako minsan; nag-eenjoy ako," aniya.

"Andun kasi yung excitement. Kasi iba sa ginagawa namin dati na puro movies, tsaka nakakasama ko yung mga stars ng bagong generation.

"At ang nakakatuwa pa, marespeto sila sa mga tulad namin na matagal na dito sa industriya."

Marami-rami na rin ang mga nagawang teleserye ni Tita Boots. Sa bilang niya, naka apat na siya sa GMA-7 at naka lima naman siya sa ABS-CBN 2.

Huli siyang nasilayan sa Kapamilya network sa teleseryeng pinagbidahan ni Coco Martin na Minsan Lang Kita Iibigin  at sa Kapuso network naman ay Munting Heredera kung saan nakasama niya ang kaniyang kaibigang si Gloria Romero.

Matindi ang paghanga ng aktres sa mga artista ng bagong henerasyon. Para sa kaniya, karamihan sa mga yung stars ngayon ay magagaling umarte at naniniwala siyang malayo ang mararating ng kanilang karera.

"Maraming magagaling na mga artista ngayon at mga versatile pa sila.

"They can sing and dance. Mahusay din sa drama at comedy at puwede kahit na ano," ang sabi ni Tita Boots.

"Siguro nakatulong din yung pag-train sa kanila at pinag-aral sila ng mga istasyon, may workshop [sila].

"Andaming mga standout ngayon sa hanay ng mga kabataaang artista.

"Ang advice ko lang sa kanila, dito kasi sa atin, kailangang mahalin mo ang trabaho mo, kasi kapag di mo minahal,  di ka rin mamahalin ng trabaho mo."

STAND-OUT ACTORS, ACTRESSES. Sinu-sino ba ang maituturing niyang stand-out o sa palagay niya ay magtatagal sa industriya?

"Of course, siyempre, andiyan si Piolo Pascual, si John Lloyd Cruz. Isa rin si Coco Martin. Sa mga babae naman si Toni Gonzaga, si Angel Locsin, si Anne Curtis. Yan yung sa ABS.